Kabanata 36

371 26 3
                                    


"Ella sandali, mag usap tayo." nagmamadaling sabi ni Rod. Halos ilan Linggo rin niyang binalak kausapin ang dalaga mula nang insidente sa park.

"Wala tayo pag-uusapan Rod."walang emosyong sagot ni Ella habang patuloy sa paglalakad.

"Magpapaliwanag lang ako."sabi ni Rod sa dalaga sinusundan niya ito kanina pa at mukhang walang balak huminto ang dalaga na hindi niya alam kung saang parte ba ng Academy pupunta.

"Wala kang dapat ipaliwanag. Tigilan mo na kakasunod sa akin."naiinis na sabi ni Ella. Napapagod na siya pero ayaw niyang huminto dahil kanina pa siya sinusundan ni Rod.

"Sandali lang kasi, huminto ka muna." Asar na sabi ni Rod hinawakan nito si Ella para huminto sa paglalakad.

"Ano ba kasi?" piksing sabi ng dalaga, at pinagpatuloy ang paglalakad

"Sorry sa nakita mo sa park noong nakaraan. Hindi naman mangyayari ang halikan namin ni Nicole kung hindi kita nakitang nakiki pag flirt sa lalaking iyon."paliwanag ni Rod halata ang inis na hindi masabi man lang ang pangalan ni Lance. Bukod pa sa naglalakad pa rin si Ella at mukhang binibilisan pa nito ang paglalakad.

"Excuse me, hindi po ako nakikipagflirt. Baka ikaw ang nakikipag flirt." Inis na sabi ni Ella nilingon nito si Rod pero muli na namang naglakad.

"Kung hindi mo sana sinubo iyong daliri ng gagong iyon, hindi naman magkakagulo doon" napipikong sabi ni Rod na sinasabayan ng maglakad si Ella.

"Sandali nga lang, so ako sinisisi mo? Kung bakit kayo nagrambulan doon. Hindi ba dapat kayo ang sisihin kasi kayo ang lumapit sa amin." Naaasar na sabi ni Ella. Tuluyan na siyang tumigil sa paglalakad dahil nakapantay na niya si Rod sa paglalakad.

"Hindi ko sinubo ang daliri niya. At kung sinubo ko man iyon ano naman sayo? Bakit kinuwestyon ba kita ng halikan mo si Nicole?" panunumbat ni Ella dito.

"Hindi ko naman hahalikan iyon kung hindi mo ako ginalit. Di pa sabi ko sayo huwag mo ako gagalitin. Saka inaasar ko lang iyong mga kasama mong lalaki na halos naka gwardiya sayo." Napipikong sabi ng binata.

"Ang galing mo naman mang asar. Talaga dapat masasarapan ka, pag kailangan mo mang-asar." sarkastikong sabi ng dalaga.

"Pwede ba Ella, nauna ka makipag flirt sa iba. Halata namang kinikilig ka kay Lance sa larong pinagawa sa inyo ng magaling niyong kaibigan." Nang uuyam na sabi ni Rod. Tumingin muna ito sa paligid at ng wala naman tao kinuha nito ang sigarilyo at sinindihan iyon. Nagawi na sila sa football field sa ginawang paglalakad ni Ella kanina.

Ngayon lang napagtanto ni Ella na sa football field na pala siya dinala ng mga paa sa paglalakad niya kanina pa, sa kagustuhang maiwasan si Rod.

"O sige kasalanan ko na. So tapos na tayo mag usap? Hahanapin ko pa sila Marie malamang hinihintay na ako ng mga iyon." pagtatapos na sabi ni Ella. Ayaw na niya pahabain ang pagtatalo nila ni Rod, wala rin naman pakikitunguhan iyon.

"Hindi pa ako tapos magpaliwanag. Wala kami ni Nicole kung iyon iniisip mo. Kaya huwag mong bigyang pag-asa si Lance. Na halatang kumukuha lang ng tiyempo sayo." Nakangiwing sabi ni Rod binuga nito sa hangin ang usok sa bibig nito.

"Itigil mo nga iyan." asar na sabi ni Ella kinuha nito ang sigarilyo na nasa daliri ni Rod.

"Huwag mong itatapon iyan, at kung itatapon mo iyan magsisindi na lang uli ako." Nang aasar na sabi nito at kumuha uli ng yosi sa kaha at sinindihan.

"Oh , sige tutal naman ok lang pala sayo mag yosi, akin na lang ito." nakangising sabi ni Ella sabay hithit ng yosi. Dahil hindi siya marunong noon nalunok niya ang usok nito at napaubo.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon