Kabanata 71

325 22 3
                                    


"Walang hiyang Dennis iyon. Akala niya makakaisa siya sa akin?" nag-aalburotong sabi ni Marie.

Dahil naligaw siya at hindi na niya alam babalik, sa kabilang daan siya napunta at hindi nadaanan si Ella. Nakita niya ang punong sinasabi ni Ella at narinig ang tawanan nila Tiffany at Patty.

"Woooowwwww," namamanghang sabi ni Marie ng masilayan ang paligid para nga siyang nasa paraiso at siya ang diwata.

"Hoy, si Ella," tanong ni Patty habang nakuha pa nitong magtampisaw ng paa sa ilog. Naka taas ang jogging pants nito.

"Maka hoy ka naman. Hindi ko nadaanan kasi dito ako napadaan sa kabila. Naligaw ako. Nagpasikot sikot lang ako hanggang namalayan ko nandito na ako." nagpapaliwanag na sabi ni Marie sa dalawa.

"Tawagan mo kaya." sabi ni Tiffany nagduduyan pa itong parang bata.

"Hahahahaha, mamaya na. Maglalaro muna ako." excited na sabi ni Marie at pumunta sa kabilang duyan.

"Ako na lang tatawag. Nabuwang na naman si Marie." sabi ni Patty at umahon na sa ilog.

"Nandyan lang naman iyon. Mas alam nga niya itong lugar na ito." nakangusong sabi ni Marie habang nagduduyan na.

"Nahanap mo ba iyong notebook mo?' tanong ni Tifanny. Umalis ito sa duyan at pumunta ito sa ilog na nakapaa.

'Hindi. Stock knowledge na lang ang gagamitin ko." sabi ni Marie at sumimangot ito ng maalala ang nangyari kanina.

"Bakit mukhang hindi yata maipinta iyang mukha mo?" tanong ni Patty habang tinitipa ang numero ni Ella sa cellphone.

"Iyong isang manyakis nakita kong manggagahasa ng babae. Buweset na iyon, akala niya maiisahan niya ako. Gagawin pa akong kapalit sa gagahasain niya." galit na sabi ni Marie. Nanlaki naman ang mata nila Patty at Tiffany sa sinabi niya.

"Sino naman iyang sinasabi mo?" tanong ni Patty.

"Tatlo lang naman ang manyak sa Academy. Tatlong hari ng kamanyakan." asar na sabi ni Marie , pumulot pa ito ng bato at ibinato sa ilog.

"Nandito silang tatlo?" nagtatakang tanong ni Patty.

"Malay ko kung alam nila ang lugar na ito." kibit balikat na sabi ni Marie.

"Sino pinagbalakan nila gahasain?" nakangiwing sabi ni Tiffany.

" Si Kat, iyong kahalikan niya sa ValPark na muntik ng makipaghalikan sa future boyfriend ko." inis na sabi ni Marie.

Biglang natahimik si Patty, ibinaba ang cellphone ng hindi makontak si Ella at napuna iyon ni Marie.

"Ex girlfriend iyon ni LJ hindi ba? May utang daw kasi si Kat kay Dennis na dalawang milyon and ang kapalit daw ay ang ikama si Kat. Ay mali idamo si Kat. Kasi gagong Dennis iyon sa damo talaga hindi man lang ikama iyong babae. Hayop talagang lalaking iyon." nanggagalaiting sabi ni Marie.

"Paano naman magkakaroon si Kat ng ganoong kalaking utang kay Dennis?" nagtatakang sabi ni Tiffany. Naglalaro ito sa tubig at nakuha pa nito manguha ng bulaklak na malapit doon.

"Malay ko. Malamang iniisahan lang ng manyak na iyon si Kat. Mukha naman matino si Kat. Feel ko lang naman." sabi ni Marie.

"Gawain naman kasi talaga nila iyon." pag sang-ayon ni Patty.

Hindi umimik si Tiffany sa reaksyon ng dalawa.

"Hoy babae, sorry ha. Alam naman naming may ugnayan namamagitan sa inyo ni Ramon. Pero ingat ka baka idamo ay este ikama ka lang nun." paalala ni Marie kay Tiffany.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon