Sa bahay ng mga Tuazon
"Pre tumawag si Mikael, nagyayaya sa bar. Ano punta tayo?" sabi ni Eric
"Hindi ba kailangan member ka doon, baka hindi rin tayo papasukin." sabi ni Steven at hindi rin naman niya hilig pumunta sa mga ganoong lugar.
"Ano ka ba pare, isa siya sa may-ari ng bar. Malaya tayo makakapasok doon kasi meron ako nito." nakangising sabi ni Eric at ipinakita kay Steven ang card.
Mikael Montemayor Craizer, 24 yrs old, pinsan ni Eric isa sa may-ari ng La Secretos, negosyante.
"Ooppppssss, ano iyan?" sabi ni Marie sabay agaw ng card ni Eric. Kararating lang ni Marie at balak bisitahin ni Ella dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.
"Patingin nga." sabi ni Lance na kasama ni Marie bumisita. Tinangka nitong agawin ang card kay Marie.
"Wait. La Secretos. Ano ito?" kuryusidad na sabi ni Marie. Wala naman ibang nakasulat sa card kundi "La Secretos" lang. Inikot ikot pa nito ang card at itinaas sa ilaw pero wala siya ibang makita bukod sa pangalan. May isa lang siya napansin kakaiba ang card na iyon at may microchip sa gilid nito. Naririnig na niya iyon sa ibang estudyante sa Academy.
"Akin na nga." sabi ni Lance sabay agaw sa card. Tiningnan rin nito ang naturang card.
"Bar iyan. Punta tayo mamaya gusto niyo?" nakangiting sabi ni Eric pero umiiling si Steven ng pagsalungat.
"Game." sigaw na sabi ni Marie at tinabihan si Steven.
"Bawal ka doon bata?" natatawang sabi ni Lance.
"Puwede ako doon. Naririnig ko na iyang bar na iyan. Puro naman mga kabataan ang mga pumupunta diyan kahit kasing edad ko pa. Iyon nga lang mayayaman." ismid na sabi ni Marie na tiningnan si Steven.
"Kayo na lang." tangging pahayag ni Steven.
"Ang corny mo. Igala mo naman iyong kapatid mo ng hindi magmumokmok sa taas. Mula ng dumating tayo hindi pa yata lumalabas sa kuwarto niya." nakasimangot na sabi ni Marie.
"Nagpapahinga lang iyan. Hayaan niyo siya diyan. Nang makapag-isip ng maayos." pormal na sabi ni Steven.
"Hoy, Steven hindi mo siya puwede ikulong diyan. Maawa ka naman kay Ella baka mabaliw iyan." pananakot ni Marie
"Hindi nga puwede." seryosong sabi nito.
"Alam mo ba ang tao pag lalo mong ikinukulong at pinagbabawalan lalo iyong umaalma. Sige ikaw rin baka mag-sisi ka. Daig mo pa si Tito kung sumita kay Ella. Bata ka pa pero para ka ng tatay ni Ella. Saka magliwaliw ka nga." mahabang pahayag ni Marie at tiningnan muli nito ang card.
Tumingin lamang si Steven kay Eric at Lance na tinanguan lang siya ng dalawa.
"Anong mapapala ko pag sumama kami sa inyo?" sabi ni Steven at humarap kay Marie.
"I-date mo ako doon." nakangiting sabi ni Marie na ikinagulat ng tatlo.
"Hahahahaha, ayos ka manligaw ha." natatawang sabi ni Lance at binato ng unan si Marie.
"Hindi ako nanliligaw." namumulang sabi ni Marie kay Lance na halos hindi matapos ang pagtawa.
"Sige." seryosong sabi ni Steven na nakatingin pa rin kay Marie.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Marie kay Steven.
"Date lang naman. Wala naman masama doon hindi ba? Saka kasama naman sila Eric." nakangiting sabi ni Steven.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...