Kabanata 89: Closer You and I

338 23 10
                                    

(Just click theme song for this chapter)

"Bhes, ready ka na?"tanong ni Marie, nasa Math contest sila, Biyernes alas otso ng umaga.

"Oo," nakangiting sabi ni Ella. Sanay siya sa mga academic tournament grade one pa lang inilalaban na siya sa iba't ibang school at hindi siya umuuwing luhaan. Pambato siya sa Math Contest solo o group man iyan. Kampante din siya, dahil nasa Math Group Edition sila ngayon. Kung saan kasama niya sila Marie at Arthur.

Kay Marie pa lang alam niyang may laban na sila, ito ang tipo ng taong kahit hindi nag-aaral nag-eexcell sa klase. Matalas ang memory ni Marie siguro nga epektibo ang pagkain nito ng mani. Bukod pa diyan may sarili itong paraan ng pagko-kompyut ng equation. Nasasagutan nito na hindi nagkokompyut sa papel kundi sa isip lamang ang ibinibigay ditong mathematical problem. Mga bagay na hinahangaan niya sa kaibigan. Nakalaban na niya dati si Marie noong Elementary pa lang sila, magkaiba sila ng school. Nanguna ito sa isandaang kalahok na galing pa ng iba't ibang panig ng Pilipinas.

Si Arthur, galing ito ng America at ito ang inilalaban international sa Math Contest, isa sa asset ng St. Valentine dahil napili ni Arthur mag-aral dito. Nakasali ito sa isang contest sa telebisyon kung saan ito ang pinaka batang contestant ng Math nauwi nito ang unang gantimpala. Ito rin ang lalaban mamaya sa Math solo competition.

Pumasok na ang naka-assign sa magbabantay sa kanila, limampung grupo ang maglalaban-laban. Pataasan ng score kung saan pagsasama-samahin ang score ng tatlo. Kung sino ang pinaka mataas na score na grupo siya ang mag-uuwi ng tropeyo at gift cash.

Unang level, ang tinatawag na solo test kung saan mag eexam ang tatlo at pag-sasamahin ang kanilang score. Tatlumpong minuto ang itatagal noon. Ibinigay na ang mga test paper at may mga harang ang bawat upuan para hindi magkopyahan ang bawat isa. Dito malalaman kung sino ang hahatak paibaba sa grupo. Thirty items ang sasagutan.

Pero wala pang dalawampung minuto natapos na ang grupo nila Ella, Marie at Arthur. Una silang umalis sa kwarto at maghihintay sila sa pangalawang kuwarto kung saan gagawin ang pangalawang level. Ang group level kung saan sila tatlo ang magdedesisyon sa isang sagot. May limang minuto ang bawat items.

Dahil maaga sila natapos, nagkukwentuhan muna ang tatlo ng mamataan nila Ella at Marie sila Rod at Dennis sa pintuan. Nilapitan ito ni Ella pero si Marie, nakatingin lamang at ayaw siyang samahan.

"Kamusta?" tanong ni Rod kay Ella. Alam niyang kaya ni Ella panalunin ang tournament kanina pa niya ito pinapanood sa labas ng pintuan habang nagtetest. Pwede naman manood ang mga estudyanteng kalahok sa labas ng pintuan, huwag nga lamang mag-ingay. Nakita niya na hindi man lang pinag pawisan ang grupo nito sa ibinigay na exam.

"Ok lang. Sana manalo." nakangiting sabi ni Ella. Niyakap siya ni Rod kahit alam nitong maraming tao.

"Dito lang kami, manonood sa inyo. Galingan mo." nakangiting sabi ni Rod at hinalikan si Ella sa pisnge ng makitang papalabas na ang iba sa kabilang kuwarto para lumipat sa kuwarto kung nasaan sila Ella.

Umalis si Ella at nakita niyang nasa pinto nga sila Dennis at Rod at mukhang manonood nga ang mga ito.

"Bakit sila nandito?" bulong ni Marie kay Ella. Kanina pa siya tinititigan ni Dennis, may saltik na naman yata ang lalaki, wala itong reaksyon sa mukha habang tinititigan siya. Gusto na nga niyang batuhin ng whiteboard eraser kung wala nga lang mga tao.

"Hayaan mo na." sabi ni Ella.

Nagtawag na ang gagawa ng pangalawang pagsusulit. Nakapuwesto na rin ang limampong kandidato. Paunahan sila ng sagot pero paramihan ng tamang sagot. Mas okay kung mauuna ka at tama pa ang sagot mo. Dahil sila ang unang natapos sa unang bahagi nasa unang mesa sila kung saan hindi makikita ng mga nasa likod o ibang contestant ang magiging sagot nila.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon