Pinupunasan ni Rod ang dugo sa labi. Naasar siya sa nangyari. Kilala niya ang dalawang lalaki kanina na sumugod sa kanya.
Sila Steven at Eric, star player ng basketball team. At siguradong kilala din siya ng mga ito.
Siya lang naman ang umagaw sa girlfriend ng mag -kaibigan. Akala kasi ng mga ito porket sikat sila hindi na sila pwede iwan ng mga babae.
Hindi nga pang aagaw ang tawag doon, napagkatuwaan kasi nila ni Dennis na idate ang nobya ng mga ito. Hindi naman nila inakala na wild ang mga ito at sumama sa kanila. At isang buong araw lang naman iyon. Nang malaman nila Steven ang nangyari wala naman ito reaction, pero si Eric na kaibigan nito muntik na siyang sapakin, nasa loob lang sila ng St Valentine noon kaya nakapagtimpi ito.
Sa sobrang asar niya sa naganap umuwi na lang si Rod sa bahay nila kasama si Dennis. Nasa swimming pool sila ng Cheung Mansyon.
May dalawang palapag ang bahay ng mga Villa Cheung sa Nueva Ecija, ancestral home ito na minana pa ng kanyang mama sa mga ninuno nito. Pagpasok pa lang sa gate ng mansion mabubungaran na ang fountain sa gitna ng malawak na lupain, may fish pond na nakapalibot sa estatwang lalaki na animo'y nakatingin sa langit,na sinasabing ipinalagay doon ng unang tumira sa mansion, na ninuno ng momy niya.
Napapaligiran ito ng mga puno at magagandang mga halaman. Ilang kilometro din bago ka marating sa pinaka main door, sa magkabilang gilid nito ay may nakadesenyong parang lawa kung saan ay may hagdan papunta sa kabilang bahagi ng lawa.
Pagpasok mo sa loob ng Villa ay mabubungaran mo ang malawak na sala nito na may Chandelier sa tuktok ng kisame. Sa gitna tatambad sayo ang mataas at malawak na hagdan na animo’y sa Disney princess movies mo lang mapapanood. Halos pwede ka ng mag party sa sala pa lang. sa kanang gilid nito makikita ang elevator. Sa bandang dulo ay may pinto kung saan andun ang dining area na kasya ang 20 katao. Sa bandang kaliwa nito ang napakaluwag na kitchen. Sa likod ng bahay ang malaking swimming na kung tutuusin para na itong resort. May jacuzzi at mini forest sa gilid nito. Sa ikalawang palapag nito ay may sampung malalaking kwarto, may mini theatre, may gym, at sports room. May Malaki ring balcony ang palibot ng ikalawang palapag ng Villa.
Kilala ang mga Cheung sa naturang lugar pero kahit ganoon, pili lamang ang nakakakilala kay Rod at sa kakambal nito. Hindi sila nagpapakilala bilang anak ng mga Cheung.
Kahit sa St Valentine Academy mga stockholder at professors lamang ang nakakaalam na isa siyang Cheung. Ang alam ng mga kaklase nila ni Dennis ay isa siyang scholar kaya nakapasok doon.
Pinangangalagaan ng dady ni Rod ang pagkatao nito laban sa mga taong pera ang habol sa mga anak.
Nagustuhan naman ni Rod na isa siyang scholar, bukod sa nakakasali siya sa varsity na walang favoritsm. Madali siyang makasalumuha at makapunta kahit saan sa kanyang pagpapanggap. Ayaw ni Rod na kilalanin siya dahil lamang mayaman siya.
“iyong dalawang ungas may mga babae na naman kasama. May tatrabahuin na naman tayo Dennis,” nakangising sabi nito sa kaibigan.
“Sa susunod kasi Rod, unang sagot pa lang hinalikan mo na. Ayan tuloy nasapak ka pa ni Steven,” nakaupo ito ngayon sa bench malapit sa pool. Habang siya ay nasa pool pa rin at ilang beses na nagpapabalik balik sa pag langoy.
“Iyong isa niyang kasama ang uunahin ko,” tukoy ni Rod kay Marie.
“Bakit naman iyon ang uunahin mo, bakit hindi si Ella na mismo,” natatawa nitong sabi ni Dennis.
“loko ka ba, mas maganda unahin iyong mga nasa paligid niya bago siya.” Nakakalokong ngiti ni Rod.
“Ewan ko sayo, minsan iniisip ko mukha kang may sayad. Kung gaano katino si Rico, ganoon ka naman ka walanghiya,” nagsindi na ito ng sigarilyo habang nailing na lang ky Rod
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...