(Try to play the theme song for this chapter)
Pag balik ng bulwagan muling umalis si LJ at isinama nito si Patty sa dressing room . Naghahanda na rin sa stage para sa mini-concert."Ito na ang hinihintay natin." sabi ni Marie na katabi si Ella, na hindi umiimik katulad ni Tiffany.
Kanina pa siya walang makausap buti na lang at masaya si Marie at may pansit na may mani sa menu, kaya hindi siya masyadong irritable. Dapat kasi makakain siya ng mani araw-araw iyon ang kanyang sikreto sa buhay para lagi siyang energetic at masaya.
Pinagmamasdan ni Dennis si Marie at mula ng pinasok niya ito kanina sa bulwagan, wala na itong ginawa kundi paghiwalayin ang mani sa pansit na kinakain nito.
Pumupunta pa ito sa mesa nila Eric para ibigay ang pansit na pinaghiwalayan ng mani, mukhang umay na umay na nga ang kabilang table sa kakabigay nito, pero hindi naman makatanggi ang tatlong lalaking pinagbibigyan.
"Hindi ka pa ba nagsasawa?" hindi nakatiis na tanong ni Dennis habang pinagmamasdan si Marie.
"Hindi, kung tinutulungan mo ba ako paghiwalayin ito, para masaya tayong dalawa." nakangising sabi ni Marie.
Sinusubuan pa ni Marie si Ella na hanggang ngayon ay tahimik lang. Mula ng pumasok sa bulwagan, siya lang ang nagsasalita. Tinatanong na nga siya ni Steven sa kabilang mesa kung anong nangyari at bakit buhat silang apat papasok ng mga lalaking kasama.
Nakatingin sila Eric, Steven at Lance sa mesa nila Marie at Ella, napatayo pa kanina ang tatlo ng makitang buhat ni Dennis si Marie at halos isalya ito ni Dennis sa upuan, pero parang wala lang kay Marie at kumuha pa ito ng pansit sa food table saka sinimulan pag hiwalayin ang pansit sa mani.
Nang pumasok si Ella na buhat ni Rod, halos mapamura si Steven sa ginawa nito sa kapatid. Mula kanina pagpasok napansin nila Lance na hindi na nagsasalita ang mga babae sa mesa nila Marie bukod sa dalaga. Kinausap ni Lance si Marie tuwing pumupunta sa table nila kung anong nangyari. Pero ang sagot lang ng dalaga.
"Si Kian kasi ang guwapo."
Ayaw ni Marie ng masyadong tahimik, lalo pa at napapanisan na yata siya ng laway.
"Bhes nauuhaw ako, samahan mo ako." sabi ni Marie kay Ella pero tiningnan lang siya ng kaibigan.
Nang hindi siya pinansin bumaling siya kay Tiffany.
"Tiffany nauuhaw na ako, samahan mo ako." yaya naman ni Marie kay Tiffany pero hindi ito umimik.
"Samahan mo ako." yaya ni Marie kay Dennis. No choice kasi siya at kailangan niya ng kasama bukod kasi sa kukuha siya uli ng pansit kailangan niya ng dalawang basong juice na magkaiba ng flavor. Hindi niya madadala iyon dahil dalawa lang ang kamay niya.
"Kanina ka pa kumakain? Baka sa banyo ka na tumira niyan." nakangising sabi ni Dennis.
Kanina pa pabalik-balik si Marie sa food table at kumukuha lang ito ng pansit. Tiningnan ni Dennis si Marie na waring problemado dahil kanina pa ito walang makausap.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomansaAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...