(Just click the theme song for this chapter)
“Ano ba bitiwan mo ako.” sigaw na sabi ni Marie kay Dennis ng nasa hotel na sila sa ikadalawampung palapag. Bumitaw naman si Dennis at akmang pupuntahan niya si Ella ng harangan siya ni Ramon.“Umalis ka diyan tatadyakan kita.” galit na sabi ni Marie kay Ramon.
“Pare sabihan mo ang asawa mo,” inis na sabi ni Ramon kay Dennis.
Hinawakan naman ni Dennis si Marie at iginiya ito palayo sa grupo.
“Pupuntahan ko lang si Ella? Hindi ba puwede?” galit na sabi ni Marie dinala siya ni Dennis sa balcony. Maganda ang tanawin sa lugar na iyon pero hindi niya ma-appreciate dahil sa mga nangyayari.
“Kumalma ka muna. Dito muna tayo.” mahinahong sabi ni Dennis. Hindi niya puwedeng papasukin si Marie sa loob at mas hyper pa ito sa kanya.
“Si Ella?” nag-aalalang tanong ni Marie.
“Okay lang siya. Tingin mo pababayaan siya ni Rod?” nakangising sabi ni Dennis.
“Oo.” deretsong sagot ni Marie. Tiningnan siya ni Dennis ng matalim. Minsan naaasar siya sa lalaking kaharap niya, may ugali ito na nakakatakot tumingin.
“Umupo ka muna. Ang ganda ng isla dapat sa ganitong lugar nag-eenjoy tayo.” sabi ni Dennis at napangiti ito kay Marie.
“Huwag kang ngingiti. Parang kang baliw, nahahawa ka na sa mga kaibigan mo. Magagalit tapos mamaya tatawa naman. Mga baliw ba kayo?” naka-ismid na sabi ni Marie naglakad ito at dumungaw sa balcony.
Malamig ang dampi ng hangin sa katawan niya at bigla siyang nakaramdam ng lamig ala-una na ng umaga. Dala na rin siguro na pagod ang lahat, kaya naging tensyonado. Tiningnan niya ang dagat may lighthouse doon kaya makikita mo ng bahagya ang ganda ng isla.
“Dennis.” mahinang sabi ni Marie.
“Bakit?” tanong ni Dennis kanina pa niya pinagmamasdan si Marie na nakadungaw, mukha na itong kalmado pero nababakas na ang pagod at antok sa mga mata nito, nakuhang pa nitong kusutin ang mata na parang bata.
“Makakapunta pa ba tayo sa kuweba?” mahinang sabi ni Marie umalis ito sa balcony at nahiga sa duyan na naroon at humiga.
“Oo naman. Pagod lang ang lahat, bukas okay na ang mga iyan.” sabi ni Dennis na nakatingin pa rin kay Marie na nasa duyan at inuugoy iyon. Nakatingin ito sa langit habang nakahiga sa duyan.
“Gusto ko pumunta dun. Sana makapunta tayo.” sabi ni Marie nakatingin siya sa langit namimiss niya si Ella. Gawain nilang dalawa iyon. Isa sa pinagkapareho nilang dalawa ay ang tumingin sa langit at pagmasdan ang mga bituin at ang liwanag ng buwan. Hindi niya namalayan na nakatulog siya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...