Kabanata 83: Angel of Darkness

347 20 12
                                    

(Click the song video theme for this chapter )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Click the song video theme for this chapter )

Naglalakad sila Rod at Ella papasok ng bulwagan. Namangha si Ella sa ayos ng loob ng bulwagan para na silang nasa isang five star hotel. Mahigpit siyang hinawakan ni Rod sa kamay.

"I love you, sweetheart." bulong ni Rod kay Ella. Hindi man alam ni Rod kung sino ang gumawa ng program gusto niya magpasalamat dito.

"Rod, natatakot ako." mahinang sabi ni Ella. Kinakabahan siya sa puwedeng mang-yari pagkatapos ng gabi.

"Huwag ka matatakot. Nandito lang ako. Alam ko mas lalo ako mahihirapan lapitan ka after nito. Pero gagawa pa rin ako ng paraan para makasama ka." nakangiting sabi ni Rod at hinalikan nito si Ella sa noo.

Tiningnan ni Ella si Rod, nalilito siya sa nararamdaman. Nasaktan siya sa nakita kay Lance at Nicole kanina sa video clip. Pero naiisip niya ngayon mas lalo hindi niya matatanggap sa sarili kung si Rod ang nakita niyang kasama ni Nicole.

"Nalilito ako, pero mahihintay mo ba ang araw na sabihin ko sayo na mahal din kita.?" sabi ni Ella kay Rod habang nakatitig siya sa mga nito.

"Kahit hindi mo sabihin alam kong mahal mo ako, Ella Mae Tuazon. Pero sige, hihintayin kong sabihin mo sa akin iyon. Kahit pumuti pa ang mga buhok natin." panatag na sabi ni Rod dinampian muli nito si Ella ng halik sa labi.

Niyakap ni Ella si Rod, mas panatag siya pag kasama ito. At may parte ng puso niyang nagdidiwang na ito ang kasama niya ngayong gabi.

"Masaya ako." mahinang sabi ni Ella.

"Ako rin, sweetheart. Halika upo na tayo doon." sabi ni Rod at hinawakan siya nito sa kamay at iginiya sa mesa nila Marie.

.......

"Aiissssstttt, bakit dito tayo umupo? Puwede ba doon pa tayo sa mas harapan." sabi ni Marie kay Dennis nang dalhin siya nito sa hindi naman kalayuan na upuan. Kung tutuusin nasa harap na sila pero ang gusto ni Marie ay pinakaunahan pa.

"Hindi puwede doon. Dance floor na iyon. Ano maglalagay ako ng mesa doon?" inis na sabi ni Dennis. Mula ng hilahin niya si Marie sa upuan hindi na ito mapakali. At para itong may uod sa puwet na hindi matigil sa paglinga.

"Kanino iyong upuan at mesang malapit sa harapan?" tanong ni Marie. Ayaw niya sa puwesto na ibinigay sa kanila, kung tutuusin nasa unahan na sila pero malayo pa rin iyon sa stage at may napansin si Marie na sampung upuan sa tabi ng stage.

"Malay ko. Baka lalagyanan ng pagkain lang iyan." napipikong sabi ni Dennis. Ni hindi niya magawa ang maitim na binabalak sa kutong lupang ito sa kakulitan na ginagawa nito sa kanya. Nahihiya na nga siya sa mga nasa likuran nila dahil tayo ng tayo si Marie.

"Bahala ka nga diyan. Bubuhatin ko itong upuan ilalagay ko doon sa may mesa." bantang sabi ni Marie na pinanlakihan pa ng mata si Dennis.

"Hindi ka titigil?" naiiritang sabi ni Dennis. Napupuno na siya sa babaeng kaharap hinila niya ito kanina papasok at ng akmang pipicturan sila ng photographer kinagat nito ang kamay niya na saktong pag-click ng camera. Ngumiti lang ang photographer na parang nakakuha ng pinakamagandang larawan sa tanang buhay nito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon