“Hoy bhes, saan ka nanggaling? Hinahanap kita kanina pa. Tinanong na kita kay Eric hindi ka naman daw nakita.” nagtatakang tanong ni Marie na sumulyap kay Rod..“Nalate ako ng gising kanina, kaya kararating ko lang.” nagdadahilang sabi ni Ella. Napansin ni Ella na napatingin ito kay Rod
“At bakit mo kasama iyang lalaking yan?” dugtong pa na tanong ni Marie na inirapan si Rod.
“Nakita ko lang siya diyan sa gate 2. Nagsisimula na ba sila sa classroom?” tanong ni Ella at tiningnan ng masama si Rod na walang yatang balak umalis.
“Hindi pa naman. Kaso si Arthur hinahanap ka rin.”sabi ni Marie kay Ella na sumulyap na naman kay Rod.
“Bakit daw?”takang tanong ni Ella na senenyasan si Rod na umalis na pero nakangiti pa rin ito.
“Kasi bhes nagpalibre ako sa kanya, dinawit kita.”natatawang sabi ni Marie.
“Buti pumayag.”sabi ni Ella. Alam nitong si Marie ang madalas lang nitong ilibre.
“Ako pa. Saka friend ka rin naman ni Arthur. Huwag ka ng tumanggi ha.” nakikiusap na sabi ni Marie na tumingin na naman sa puwesto ni Rod na ngayon ay nakakunot na ang noo at nakatingin na sa kanya.
“Sige, pero gusto ko dalawang milk tea sa akin, tapos maraming pearls.”excited na sabi ni Ella. Na hindi na pinansin ang presensya ni Rod.
“Huwag ka ng magpalibre. Bibilhan na lang kita.”singit na sabi ni Rod at masama itong nakatingin kay Marie.
“Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” mataray na sabi ni Marie ng makita ang galit na mata ni Rod.
“Kung magpapalibre ka. Huwag mo nang isama si Ella.”paangil na sabi ni Rod kay Marie.
“At bakit naman hindi puwede? Bakit dyowa mo ba siya?”napataas na tonong sabi ni Marie at lumapit pa ito kay Rod.
“Ano ba kayong dalawa?” sabi ni Ella at naiilang sa dalawang nagtatalo.
“Bakit ba kasama mo iyan? Alam ba nila Steven na kabuntot mo yan?”inis na sabi ni Marie na tinitigan ng masama si Rod.
“Tama na nga Marie. Umakyat na tayo sa room,”sabi ni Ella at akmang aalis na ito bitbit si Marie ng hawakan siya ni Rod.
“Huwag ka magpapalibre lalo na sa lalaki. Ako bibili sayo ng milk tea mamaya.” seryosong sabi ni Rod at binalingan si Marie.
“Huwag na kayo mag palibre. Bibilhan na rin kita mamaya.”sabi ni Rod kay Marie at nginitian pa ang dalaga. Naisip niya dapat maging mabait siya sa kutong lupang kaibigan ni Ella para nasa kanya ang loyalty nito.
“Himala ang bait mo?” sabi ni Marie at tumingin pa sa langit.
Siniko nito si Marie at sumang-ayon na lang kay Rod ng hindi na mag-away ang dalawa. Hinila na niya si Marie at naglakad na palayo kay Rod.
“Aba mukhang bumait iyong isang iyon. Bakit pala magkasama kayo? Nag date kayo, ‘no?”nagtatakang tanong ni Marie.
“Hindi ah. Halika na nga.”iwas na sabi ni Ella. Binaling niya sa iba ang atensyon ni Marie para hindi na mangulit ang kaibigan.
………………..
Lunch Break……
“Bhes punta tayo sa gym.”yayang sabi ni Marie, katatapos lang nilang mag lunch ng oras na iyon.
Hindi na sila nagpalibre kay Arthur. Dahil nang mismong lunch break may nag deliver ng milk tea sa buong Journalism contestant sinama na rin nito ang Math contestant kung saan kabilang si Ella sa parehong contest.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...