(Play the theme song for this chapter)
"Game na ba kayo? Papasok na tayo."
sabi ni Marie sa tatlong kaibigan.Nasa harap na sila ng La Secretos Bar. Kinakabahan man pero nananabik sila makatuntong muli sa naturang bar.
"Game na." sabi ni Ella , tama si Marie hindi nga siya nahirapan mag paalam sa magulang at dahil wala nga ang mga ito sa bahay dahil sa inventory ng grocery pinayagan siyang makitulog sa bahay nila Marie dahil wala rin ang kuya niya at mag-isa lang siya sa bahay.
"Nakakakaba." sabi ni Patty. Halos hindi ibaba ni LJ ang cellphone kanina habang tumatawag, nasa sala na nila sila Marie at Ella kausap pa rin nya si LJ kaya halos late na sila nakaalis ng bahay. Hindi naman na ito tumawag after ng last call nito. Effective ang plano ni Marie na magkunwaring may sakit.
"Bilisan niyo na at baka may makakita sa atin." sabi ni Tiffany anong oras na siya inuwi ni Ramon at ayaw pa siya pakawalan nito kanina.
May rules ang magkakaibigan na ipinatupad.
Una, nakajeans ang tatlo para hindi sila pansinin, samahan pa naka hood silang jacket ayon sa pinag-usapan.
Pangalawa may color coding sila sa kulay ng jacket pink si Ella, yellow si Marie, red si Tiffany at purple naman si Patty naka tube lang sila pare-pareho sa loob ng jacket para naman hindi masyadong mainit. May color coding sila para madaling mahanap ang isa't isa.
Pangatlo napag-usapan na hindi sila iinom ng marami para madali silang makaalis sa lugar na iyon pag oras na ng uwian.
Pang-apat naka sneakers din ang tatlo para handa sila kung sakali magtakbuhan.
Pang lima walang hihiwalay sa grupo.
Pang anim bawal tumambay kung saan-saan, dapat nasa bahagi lang sila ng El Sol.
Pang-pito walang magtatanggal ng hood ng jacket at bawal ipakita ang mukha nila.
Pang-walo bawal ang makipag usap kahit na kanino, at bawal din makipag-usap ng matagal sa staff ng bar lalo na at kakilala si Tiffany doon, bawal itong makita.
Pang-siyam bawal gumala sa bar, sama-sama sila kahit sa pag CR
at pang-sampo bawal tumingin o sumulyap man lang sa El Cielo, kung nasaan ang mga may-ari.
Lahat ng ito ay pirmado ng apat bago umalis kanina at nasa bulsa ni Marie.
Nabuksan na ang unang gate ng bar. Mas madali na ngayon ang makapasok dahil register na sila sa bar na iyon. Nasa hallway na sila ng may nakasabay silang mga lalaki nagsiyuko ang apat at dere-deretso pumasok sa loob.
Nang makapasok na ang apat nakayuko ang mga ito. Mabilis sila pumunta sa EL Sol at dahil alas onse ng gabi marami ng tao sa bahaging iyon. Sapat para makapagtago sila.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...