"Ano ba itong lugar na ito para namang hindi bar?" sabi ni Marie nasa gate na sila ng naturang bar na sinasabi. Para lamang iyong pangkaraniwang 3-storey building. Na napapaligiran ng mga puno, halaman at mga nagtataasang mga damo.First time ni Eric sa naturang lugar hindi niya alam na ganoon ang itsura ng bar na sinasabi ni Mikael. Pero dahil nakapunta na roon si Tiffany sinabi nito ang dapat gawin.
"Eric tapat mo iyang card sa may screen." sabi ni Tiffany na ipinagtaka ng tatlong lalaki kung bakit alam ng dalaga.
Itinapat ni Eric ang card na ibinigay ng pinsan at bumukas ang gate. Pumasok sila pero napansin nila ang sensor na dinaanan. May mga cctv sa paligid. Namangha sila ng makita ang iba't ibang klaseng mamahaling sasakyan na makikita lamang sa ibang bansa ang karamihan. Isa iyong parking lot. Nagmukhang basurang lata ang van ni Eric ng itabi sa mga sasakyang naroroon.
Paghinto ng sasakyan naunang bumaba si Tiffany. Alam niyang nagtataka ang tatlong lalaki kung bakit niya alam ang pasikot sikot doon. Pagbaba ni Tiffany sinundan siya ng grupo. Sa bandang kanan ay may elevator pero hindi basta-basta makakapasok doon.
"Eric pahiram ng card." sabi ni Tiffany pagkatapos noon lumabas ang pangalan ni Eric at larawan nito sa microchip na ini-scan ni Tiffany.
"Langya hi-tech." sabi ni Marie.
"Lapit kayo isa-isa tapos ilagay niyo iyong hinlalaki niyo dito sa screen." sabi ni Tiffany na ginawa naman ng lahat.
Pagkatapos gawin ng lahat. Iniscan muli ni Tiffany ang card at bumukas ang elevator noon. Akala nila tapos na pero may dinaanan pa silang isang maluwag na hallway.
"Sure ka bang bar itong napuntahan natin?" tanong ni Marie kay Tiffany na ikinangiti lang ni Tiffany.
Ganoon din ang reaksyon ni Tiffany ng una siyang makapunta dito. Hindi mo maririnig ang ingay sa loob ng bar dahil makapal ang pader at sound proof ang naturang lugar.
Pagdating sa dulo ngumiti si Tiffany.
"Guys isa na lang." sabi ni Tiffany at may screen uli doon na face detector.
Isa-isa silang pumunta sa screen at pagkatapos swipe ulit ni Tiffany ang naturang card at....
"Guys welcome to La Secretos..." masayang sabi ni Tiffany at bumukas ang pinto ng bar.
Namangha ang lahat sa nakita . Napakaluwag ng naturang bar, maingay at puno ng tao. Ang mga ilaw ay waring nang aanyayang sumayaw. Magaslaw ang mga tugtog at lahat ay nagkakasiyahan. May malaking stage kung saan may bandang tumutugtog at malaking dance floor sa baba nito kung saan nagsasayawan ang mga kabataan.
Napansin ng grupo ang pagkakahati ng bar base ito sa kulay. Nag-iiba ang blending ng kulay depende sa tema ng ikinakanta sa stage.
"Guys, dahil VIP ang card ni Eric dito tayo sa La Luna. Dito ako nagwork dati kaya alam ko. Kaso nabuko iyong edad ko kaya napaalis ako." natatawang paliwanag ni Tiffany.
"Iyon ang unang parte ng bar ang El Sol, makikita niyo diyan iyong mga hyper na mga customer pero iyan ang sentro ng kasiyahan dito. Iyon naman ikatlong parte ang Las Estrellas, diyan kayo pwede umorder ng drinks, foods or kahit na ano at dahil VIP card kayo swipe niyo lang lahat ng order, sagot na iyon ng nasa taas or iyong nagbigay ng VIP card niyo. May mga pakulo sa Las Estrellas may mga tricks silang pwedeng panoorin. Sa taas naman iyon ang El Cielo naroroon ang mga may-ari ng bar na ito. Doon lang naman sila nakapuwesto at pinapanood tayong lahat." sabi ni Tiffany at mukhang hindi pa rin makapaniwala ang grupo sa nakikita.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...