Kabanata 123: Secret Love Song

289 19 14
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4th day El Paradiso
11:30pm Mt. Esperanza

Limang oras na silang naglalakad paakyat ng bundok, nakakaramdam na ang lahat ng pagod kahit nakapagpahinga sila kanina.

"Puwede bang magpahinga muna tayo?" tanong ni Marie, tiningnan niya si Ella hindi na rin ito umiimik at nakahawak ito kay Rod.

"Puwede naman po tayo magpahinga tapos, ituloy natin bukas ang paglalakad." sabi ni Val, hindi kakayanin ng mga batang kasama ang taas ng bundok lalo na at first time ng mga itong umakyat.

"May tent ba kayong dala?" sabi ni Cris, nakikita niyang pagod na ang walong kasama nila lalo na ang mga babaeng halos nakahawak na sa mga nobyo ng mga ito bukod kay Marie, na ipinagtataka nila na mukhang hyper pa rin.

"Meron kaming dalang tent." sagot ni Rod, tiningnan nito si Ella kanina pa humihinto sa paglakad.

"Sige, may maliit na talon sa bandang roon, doon tayo pupuwesto para hindi tayo mahirapan kumuha ng tubig." sabi ni Val.

"Malinis ang tubig sa katabi ng talon isa iyong bukal. Halika na kayo para makapagpahinga muna tayo." sabi ni Cris.

"Salamat naman, akala ko lalawit na ang dila ko. Kanina pa ako pagod." sabi ni Tiffany.

Pagdating sa sinasabi ng dalawang tour guide, namangha sila sa lugar.

"Wala bang lugar dito na panget?" nag bibirong sabi ni Marie. Ang pinagdalhan sa kanila ng tour guide ay isang napakagandang maliit na talon, ang liwanag ng buwan ay tumatama mismo sa tubig nito, na siyang nagpapaliwanag sa lugar. Samahan pa na ang damo sa tinatapakan nila ay mukhang alaga dahil sa kakaiba nitong ganda, pati na rin ang puno, halaman at bulaklak na nakapaligid dito.

"Nakakawala ng pagod." nakangiting sabi ni Patty.

Nagbukas sila Val at Cris ng apoy na magsisilbing ilaw nila sa gabi. At nagpadagdag iyon sa ganda ng lugar. Nagtayo sila ng tent at dahil ang apat na lalaki lang ay may dalang tent nagtinginan ang babae sa grupo.

"Saan tayo matutulog?" bulong na sabi ni Patty nakatingin sila sa apat na lalaking nagtatayo ng tent.

"Hindi ko alam. Baka dito sa labas." sabi ni Tiffany, may tent siya sa hotel pero nalimutan niya iyon sa kakamadali kanina.

"Dito na lang tayo bhes sa labas. Maganda naman ang damo maglalatag lang tayo ng kumot, para puwedeng tulugan." sabi ni Marie.

Nakita ni Ella na ang dalawang tour guide ay nagtayo ng tent malapit sa dinaanan nila samantalang ang grupo ni Rod ay may kalapitan sa maliit na talon.

"Sige dito na lang tayo. Naaantok na rin kasi ako." sabi ni Ella ayaw naman niyang makitulog kasama ni Rod sa loob ng tent.

"Okay na dito, kapag ang tao pagod wala ng arte-arte iyan." natatawang sabi ni Marie. Hindi na rin niya kaya ang pagod, naglatag siya ng kumot at humiga kasama ni Ella.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon