“Ok ka lang?” tanong ni Dennis kay Kat habang nagmamaneho siya ng sasakyan.Hindi niya nagustuhan ang mga tingin nito kay LJ kanina, nararamdaman niya na may pagtingin pa rin ito sa binata.
Malakas ang kutob ni Dennis na nag usap ang dalawa at hindi maganda ang kinalabasan nun.
Kahit buwan pa lang niya nakikilala ito, may pagkakataon na nakikita niya ang lihim na pagsulyap nito kay LJ. Nabanaag nga niya kanina ang inggit nito sa mata ng bigyan ni LJ ng bulaklak si Patty kanina
Mga bagay na hindi nito naranasan kay LJ o kay Rod.
“Oo naman,”mahinang sabi ni Kat. Naalala niya sila Ella at Patty hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa mga ito. Mga babaeng sineseryoso ng mga lalaki. Hindi tulad niya binabayaran para sa isang buwang relasyon.
“Mukhang hindi.”nakaismid na sabi ni Dennis.
Tahimik at tipid ang mga sagot ni Kat.
“Ok lang talaga ako. Pero hindi ba magbabago ang desisyon mo makarelasyon ako?”tanong ni Kat dito.
Gusto ni Kat magbago pa ang hinihinge ni Dennis, pero hindi niya alam kung paano ito ididispatsa ng maaga.
“Hindi. Isang buwan sapat na iyon para sa kabayaran ng utang mo.”diin na sabi nito.
Nagsimula na ang isang buwan nila, pero ni minsan hindi pa niya nahahalikan uli ang dalaga. Na tinitimpi niya ang sarili galawin ito, na hindi nito gusto.
“Kung makukuha mo ba ako, bayad na ako sayo?’ seryosong sabi ni Kat. Naiisip niya kung ibibigay niya kay Dennis ang gusto nito madali na siyang makakatakas dito. Tutal naman iyon talaga ang hinihinge nitong bayad kahit hindi nito sabihin.
“Isang buwan.”sabi ni Dennis.
Matipid lang ang sagot ni Dennis pero para kay Kat ang isang buwan na sinasabi nito ay katumbas ng ilang lalaking nakarelasyon niya. Alam niyang pagsasawaan lang siya nito. Naaawa siya para sa sarili.
Ang mahigit limang taon niyang iniingatan mawawala dahil sa utang na hindi naman niya ginusto.
Hindi na muli nag salita si Kat mula ng sinagot niya ang huling tanong nito. Hindi niya kailangan pilitin ito kusa ni Kat ibibigay ang kabayaran nito sa kanya.
At dapat bago matapos ang buwan napagsawaan na niya Kat. Kailan niya madaliin ang pagdedesisyon nito dahil tumatakbo ang araw.
Dahil kailangan pang pag aralan ni Dennis kung paano makukuha si Tifanny kay Ramon na siyang susi para maaga mapasakanya ang kayamanan ng mga magulang.
……
Hindi pa man nakakalapit ang sasakyan ni Rod, nakita na nito si Lance na nilapitan si Ella. Hinawakan pa nito si Ella at inalalayan makasakay. Dahil hindi naman tinted ang van ni Eric kaya nakita ni Rod na magkatabi ang dalawa sa upuan.
“Siraulong Lance ito, sa likuran talaga dinala si Ella. Tangna nitong lalaking ito, ano kaya balak nito? Ito naman si Steven hinayaan na naman si Ella. Lagot kayo sa akin.” nagpupuyos sa galit na sabi ni Rod
Nang makasakay na ang lahat pinaandar na ni Eric ang sasakyan, napansin nitong tahimik si Marie.
“Wala kang balak magsalita?’ natatawang sabi ni Eric. Kanina pa niya napupuna si Marie na parang hindi mapakali.
“Wala. Wala ako sa mood.”sabi ni Marie at iniiwas ang mata kala Eric at Steven na nasa drivers seat. Siya lamang ang nakpwesto sa kinauupuan niya dahil si Lance ay dinala si Ella sa likuran para daw maluwag.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...