Kabanata 12

488 48 1
                                    


Nasa harapan na ng waiting shed si Ella pasado alas sais na nang gabi pero wala pa si Dennis.

Nang may humintong motor sa harapan niya. Nakita na niya ang Ducati motor na iyon. Maya maya hinubad ng sakay noon ang helmet at nagsalita.

"Halika sakay ka na sa akin, " nakangiting anyaya sa kanya ni Rod.

Naamoy na naman niya ang pabango ni Rod na masarap amuyin sa ilong. Pero iwinasiwas niya ang nararamdaman.

"At bakit ako sasakay sayo," mataray na sagot ni Ella

"Malamang may double date tayo, di ba." natatawang sabi ni Rod

"Hello, hindi date iyon. Interview lang iyon, " napipikang sabi ni Ella.

"Ganoon din iyon. Bakit ang tigas ng ulo mo. Minsan para kang mabait, kadalasan para kang may regla lagi. Daig mo pa nga ang nagme-menopause na babae. Ang taray mo," birong sabi ni Rod.

"Kung katulad mong maangas ang lagi ko makakausap ganito talaga siguro ako," sabi niya dito.

"Inaano ba kita? Ikaw nga may atraso sa akin. Dapat nga ikaw iyong mabait hindi ka pa bayad sa mga ginawa mo sa akin,"naiiling na sabi ni Rod.

"Kapal nito, minanyak mo ako kaya ka nasuntok ni kuya at nasampal ko," inis na sabi ni Ella dito.

"Alam mo Miss Ella huwag ka mag alala, hindi kita magugustuhan. Hindi lahat na lumalapit na lalaki sa isang babae ay may gusto sa babae," ganting sagot ni Rod na ikinainit lalo ng ulo ni Ella.

"Bakit sinabi ko ba magugustuhan mo ako. Huwag ka rin mag aalala Rod. Wala ako balak gustuhin ka. Mas type ko ang babae kaysa sayo." Biglang sabi niya dito.

Nagulat din si Ella sa nasabi niya pero hindi na niya babawiin at babaguhin para manahimik lang ito.

"So you're a lesbian. Nice. Ang nasa likod pala ng magandang katawan at mukhang iyan ay isang tibo." maasgad na sabi ni Rod.

"So anong problema mo sa mga katulad namin?," sabi ni Ella na pinursige at ginalingan na lang ang pagsisinungaling.

"Wala lang. So kung tibo ka. Wala naman pala malisya kung aangkas ka sa akin. Kasi lalaki ka rin pala. Mas madali at mas maganda. So sumakay ka na at baka gabihin ka pa sa daan. Hindi makakalaban ang tibong katulad mo sa mga masasamang loob," nang iinis na sabi Rod dito

Naramdaman ni Ella ang pagbabago nito sa kanya. Mas okay na siguro kaysa mukha siyang minamanyak nito lagi.

"Oh, sige sasakay na. Huwag mo ipapaharorot. Masasapak kita." Banta ni Ella kay Rod.

Hindi niya napansin kanina ang dala nitong isa pang helmet na ngayon ay isinuot sa kanya. Pagsakay niya sa likod. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya nito sa baywang nito.

"Humawak kang mabuti. Ayaw ni Duke ng mabagal, kaya hawak aandar na tayo." Sabi ni Rod na ang tinutukoy na Duke ay ang motor nito na hinimas pa bago pinaandar.

Walang ano ano bigla itong umandar ng napakabilis na parang naiwan yata ang puso niya. Napahawak siya ng mahigpit sa likod ni Rod.

"Mokong ka, ang biiiiilllllliiisssssss" sigaw ni Ella sa hangin na ikinatawa ni Rod.

Franxie Cuisine Restaurant

Pagbaba ni Ella sa motor may lumapit sa kanilang lalaki at kinuha ang susi ng motor ni Rod. Narinig niyang inutusan nitong ipark ang motor nito. Pagkaalis ng lalaki nagsalita si Ella...

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon