Papuntang gym sila Ella at Marie, wala kasi ang teacher nila sa Science, kaya pupuntahan niya si Steven. Ganitong oras nag eensayo ang kuya ni Ella para sa darating na basketball tournament sa kabilang school. Pupuntahan niya ito para makasabay sa lunch nila ni Marie.
"ella, sana makasabay natin ang kuya mo sa lunch." Excited nitong sabi ni Marie.
"Oo sure ako na makakasabay si Kuya sa atin, imposible naman na hindi sila kumain ng lunch," paninigurado ni Ella kay Marie.
"ella, huwag ka magagalit ha, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Marie hawak nito ang braso niya.
"Ano na naman iyon Marie, kokopya ka ng assignment o uutang ka." birong tanong ni Ella.
"Grabe uutang talaga pwede bang hihiram?,"nakangusong sagot nito.
"Ganun din naman iyon, pinaganda lang utang talaga ang tamang tawag dun," natatawa niyang sabi
Alam na ni Marie ang isasagot ni Ella, kung iyon man ang kailangan nito.
Kung kokopya ito tuturuan na lamang niya si Marie. Ayaw kasi ni Ella na mamihasa ito at gusto rin naman ni Ella na matuto ito. May mga subject kasi na nahihirapan si Marie lalo na kung kailangan ng research sa internet. Kaya naman pag may mga assignment silang na nangangailangan ng net, pinapupunta niya ito sa bahay nila para share sila sa paggamit ng computer niya.
Kung uutang naman ito, madalas itong gawin ni Marie kay Ella. Na pinagbibigyan naman ni Ella. Alam niya na nahihirapan ito sa pamumuhay, dahil lola lang nito ang nag-aalaga at nagtatrabaho para mabuhay silang ang dalawa.
Kahit scholar si Marie sa St Valentine Academy, marami pa ring kailangan at gastos na binibili para sa school.
Binabayaran din naman siya ni Marie kahit na paunti-unti. Para kay Ella tulong na rin kay Marie ang pagbibigay dito. Minsan nga hindi na niya pinababayaran ang mga utang nito. Na ayaw naman ni Marie, at pilit pa rin siyang binabayaran.
Kung nasa kalagayan siya ni Marie, hindi niya alam ang gagawin. Kaya para kay Ella. Napakatapang ni Marie kahit hirap ito sa buhay. Nagpupursige ito para makapagtapos. Alam ni Ella na gagawin ni Marie ang lahat makapagtapos lang sa pag aaral.
"grabe ka naman sa akin Ella. Hindi iyon. Regarding sa kuya mo." Nahihiyang sabi ni Marie.
"Anong meron kay kuya," balik tanong ni Ella
"Crush ko kasi Steven." Kinikilig na sabi ni Marie
"alam ko na yan Marie, halata ka naman eh." Natatawang sabi ni Ella
"Noong unang araw ng training nila kuya sa basketball halos madapa ako sa paghatak mo." Sabi ni Ella
"hindi naman, marami kasi tao sa gym baka maunahan tayo sa upuan," tanggi ni Marie
"Hindi nga! Unang shoot pa nga lang ni Kuya, halos sabunutan mo na iyong nasa harapan natin. Practice pa lang Marie. Paano pa pag tournament na talaga " Naalalang sabi ni Ella
"hahahaha, kailangan lang ng cheer ng Kuya mo, para ganahan," paliwanag ni Marie
"langya, ano ka gf ni Kuya. Mas maingay ka pa kay Alysaa. Makahiyaw ka para kang president ng fans club." Biro nito sa kaibigan.
Si Alyssa, ay gf "daw" ng kuya niya, pagpapakilala ni Alyssa mismo sa sarili nito. Na itinawa lang ni Steven.
"Sobra ka talaga sa akin, parang hindi mo ako bestfriend. Saka yung Alyssa na iyon, wala iyon fling lang iyon ni Steven. Pag nakatapos ako ng College, aakitin ko iyang kuya mo. Kaya bantayan mo si Steven para sa akin." Seryosong sabi ni Marie
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...