Kabanata 41

327 23 3
                                    


Palingon lingon si Marie sa paligid, alam niya mainit pa ang mata ni Steven sa kanya. Hindi siya nito pinayagang makatuntong sa bahay ng binata. Pero dahil gusto niya makausap ang matalik na kaibigan na ilang araw na niyang hindi nakakapag huntahan. Umakyat siya pader papuntang kwarto ni Ella sa 2nd floor.

Napansin ni Ella na parang may kumakaluskos sa may bintana. Palihim niyang sinilip  kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Sa dahan dahan na pagdungaw ng dalaga nakita niya ang kaibigang si Marie,  pero dahil busy ang kaibigan sa pag akyat nito, na nakatingin pa sa baba, na para bang nalulula, kaya hindi siya nito napansin.

“Bulagaaaa..”panggulat na sabi ni Ella sa kaibigan na parang magnanakaw kung makapuslit sa bahay nila. At muntik ng mahulog kung hindi niya ito nahawakan sa kamay

Ay pukeng hubad!”gulat na sigaw ni Marie. Muntikan na siyang madulas sa pader na tinutuntungan niya.

Hahahahahaha, bakit ka andyan?”, hindi mapigilang tawa ni Ella.

Shungeg lagot ka sa akin sasabunutan kita.”pagbabanta ni Marie na mukhang takot pa sa pag akyat nito.

Hahahahahahaha. Gaga ka talaga Marie. Mukhang kang pusang naipit.” tawang tawa na sabi ni Ella muntik pa nitong mabitiwan ang kamay ni Marie sa kakatawa.

Gaga, huwag kang maingay. Baka malaman ni Steven na nandito ako. Kukurutin kita pag nakapasok na ko. Hintay ka lang”mahinang saway ni Marie sa kaibigan na halos naluluha na sa kakatawa.

Kung bitawan kaya kita.”babalang sabi ni Ella na naiiyak na sa galak.

Gaga, huwag mo akong bitawan. Kung hinahatak mo na kaya ako at baka lumabas iyong kuya mo.”utos ni Marie na halatang nangangawit na sa pag akyat nito. Hindi rin ganoon kadali ang pag akyat sa kuwarto ni Ella.

Pag binitawan kita baka sakali saklolohan ka ni Kuya. Maawa sayo tapos mainlove sayo.”natatawang sabi pa rin ni Ella.

Oo nga bhes, taba talaga ng utak mo. Sige bitawan mo ako.”desididong sabi ni Marie na pinipiksi na ang kamay ni Ella na nakahawak sa kanya.

Hahahahahaha, para kang tanga. Pagnahulog ka diyan, kung hindi warak iyang pagkababae mo, mabubungal ka naman dahil sa taas ng inakyat mo mabisaklat ka pa paghinulog kita.”tawa ni Ella. Iba talaga pag si Marie kasama niya, lahat ng kalamnan niya nanginginig sa kakatawa.

Ok lang. Basta dapat mafall ako sa kanya. Ay mali, dapat mafall ang kuya mo sa akin.” Sabi nito at pinipiksi pa rin ang kamay nito na hawak ni Ella.

Sira ayoko nga at baka mademanda pa ako. Ito niloloko ka lang. Patuserang Froggie ka.”sabi niya ni Ella habang ang isang kamay niya ay nagpupunas ng luha niya sa kakatawa.

Bitawan mo na ako bhes.”pakiusap ni Marie. Nang biglang may nagsalita sa may katapat na kwarto ni Ella.

Bunso sino kausap mo? Huwag mo papapasukin si Marie kung hindi grounded ka for the whole week.” Sigaw ni Steven sa kabilang kuwarto.

Putsa Marie, bitawan na kita. Bahala ka sa buhay mo. Ayoko matengga sa bahay ng isang linggo.” Sabi ni Ella. Akmang bibitawan niya si Marie ng higpitan nito ang hawak sa kanya.

Tangna bhes, huwag mo ako bitiwan. Hindi ko kaya mabisaklat ako o kaya mabungal ako pag nahulog ako.”nagmamakaawang sabi ni Marie.

Tumingin pa ito sa baba bago ito mabilis na umakyat sa huling aapakan nito. Kahit hawak ni Ella ang kamay niya, akmang isasara na nito ang bintana nang mabilisan siyang umakyat at iharang ang katawan sa bintana ng kwarto ni Ella.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon