Kabanata 93: It's You

286 23 8
                                    

(Just click the theme song for this chapter)

(Just click the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Bhes, sabi ko sayo papayagan ka ni Steven." masayang sabi ni Marie nasa concert sila ngayon ni Kian. Hinatid lang sila ni Steven sa gate ng naturang pagdadausan ng concert at umalis na ito agad.

"Hindi ko rin naman inaasahan. Siguro natuwa lang sa atin. Dalawa ba naman ang napanalo natin sa tournament." nakangiting sabi ni Ella.

'Ayos naman ang outfit natin di ba? Hindi naman panget sa event." tanong ni Marie at umikot pa ito kay Ella.

Nakasuot ito ng short at hanging t-shirt na binagayan ng sneakers. Samantalang si Ella ay fitted jeans at off-shoulder shirt na tenernuhan ng doll shoes. Naka pony tail ang pareho nilang buhok.

"Oo naman. Kaysa pumorma tayo na hindi naman tayo komportable." sabi ni Ella.

Nang mapansin ni Rod si Ella sa bandang gate ng venue nilapitan niya ito. Kasama na niya sila Dennis, LJ at Ramon kasama ng mga nito sila Tiffany at Patty.

"Hi, sweetheart. Buti nakatakas ka." nakangiting bati ni Rod at hinawakan nito sa baywang si Ella.

"Hindi ako tumakas, pinayagan kami manood." nakangiting sabi ni Ella.

"Pasok na tayo." sabi ni LJ hawak nito si Patty sa kamay.

Nakakuha ang apat na lalaki ng ticket sa pamamagitan ni LJ, tinawagan nito si Kian para sa VIP ticket, hindi naman ito pinahindian ni Kian. Pero nagtanong ito sa kanya.

"Pare bakit apat?" tanong ni Kian ng araw na iyon ng pumunta si LJ sa recording studio nito kung saan nag-eensayo ang kaibigan.

"Pare, apat din ang ibinigay mong ticket kay Ella. Alam mo na siguro kung bakit?" natatawang sabi ni LJ sa kaibigan.

"Pare, boyfriend na ba ni Ella iyong Rod na iyon?" tanong ni Kian.

"Huwag mo ng pag-intresan si Ella, nakabakod na si Rod sa kanya. At hindi pupunta si Ella kung wala si Rod." natatawang sabi ni LJ bago siya bigyan ni Kian ng apat na ticket.

...........

"Ano ba iyan? Wala pa man kinikilig na ako. Sigurado bhes masaya na naman ito." kinikilig na sabi ni Marie.

"Mamaya sa may unahan uli tayo." bulong ni Ella kay Marie.

Pinagmamasdan ni Rod si Ella, siguradong aakyat na naman ang mga ito sa stage para malapitan si Kian. Wala siyang hilig sa mga ganito pero kailangan niyang bantayan si Ella. Hindi naman siya makatanggi dito ng muli itong magpaalam sa kanya tungkol sa concert, idinahilan pa nito ang pagkakapanalo sa dalawang contest kaya hindi na niya makuhang humindi.

Kanina niya pa tinitingnan ni Dennis si Marie pero mukhang hindi siya nito nakikita. Hindi pa rin niya malimutan ang ginawa nito paghawak sa kanya. Hindi siya pinapansin nito na parang wala lang dito ang ginawa sa kanya.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon