Kabanata 110: Undo

302 27 5
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


1st day El Paradiso Airport

Kanina pa nakalapag ang eroplano na sinakyan ng grupo ni Steven at napagdesisyunan nila hintayin sila Ella at Marie. Halos paubos na rin ang ibang estudyante na naroon dahil naihatid na ang mga ito sa bus papuntang hotel kung saan tutuloy ang mga ito. Pero kalahating oras na hindi pa bumababa ang sakay ng pangalawang eroplano

Nakontak pa ni Lance sila Marie at Ella, pero ng kausapin niya si Ella biglang naputol ang linya nito. Hindi tuloy niya masigurado kung lasing nga ba sila Ella at Marie sa kabilang line.

"Sir, excuse me. May maghahatid na po sa inyo sa hotel. Just follow me." sabi ni staff ng airport.

"Miss, wait lang. Iyong pangalawang eroplano bakit hindi pa bumababa ang mga sakay?" tanong ni Eric kanina pa sila nakatingin sa eroplano kung saan sumakay sila Ella at Marie pero hindi pa iyon bumubukas.

"Sir, may technical problem lang po sa loob. Don't worry ligtas naman po ang lahat ng sakay niyan. Halina po kayo, naghihintay na po ang magdadala sa inyo sa tutuluyan ninyong hotel." nakangiting sabi ng staff.

Hindi pa sana sila sasama, pero sila na lang ang huling batch na estudyante na naiwan doon.

"Mamaya natin itanong sa namamahala kung saan sila dadalhin." seryosong sabi ni Steven sa dalawa. Sinulyapan muna niya ang eroplano bago lumakad palayo.

....................

"Sir naka-alis na po sila." sabi ng isang staff kay Ramon.

Nasa loob pa sila Ramon ng naturang eroplano habang naghihintay ng go signal ni Rod. Kanina pa ito nakaupo at nakatingin lamang sa bintana ng eroplano. Senenyasan niya ang flight attendant na puwede ng buksan ang pinto ng eroplanong sinasakyan nila.

"Mauna na kami." sabi ni Dennis binuhat nito si Marie at bumaba ng eroplano nagsisunuran naman ang iba dito.

"Pare, mauna na kami. Nasa baba na ang sasakyan mo." sabi ni Ramon kay Rod na nakaupo pa rin at nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano. Nakuha niya uli sulyapan ang kaibigan na parang walang balak na umalis doon.

"Babe, paano sila Ella at Marie?" nag-aalalang tanong ni Tiffany kay Ramon.

"Don't worry babe. Mag lalaro lang muna sila." nakangising sabi ni Ramon kay Tiffany.

Sinulyapan ni Tiffany si Ella na mahimbing pa rin natutulog sa upuan nito kanina. Lalapitan niya pa sana ang kaibigan, ng bigla siyang pigilan ni Ramon at iginiya palabas ng eroplano.

Lumipas pa ang isang oras, nasa loob lang ng eroplano si Rod. Tumayo siya ng hindi pa rin gumigising si Ella. Pinagmasdan niya ito mula sa pagkakahiga. Maya-maya umupo ito sa tabi ng dalaga, kinuha niya ang kamay nito. Naroroon ang bakas ng sugat nito sa dalawang aksidente nito sa kamay na siya ang may kakagawan.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon