Nakatingin si Ella sa labas ng bintana ng sasakyan. Binabaybay nila ang lugar kung saan nakatira ang mga Cheung. Mahahalatang hindi ito basta-basta mayaman lamang, sa malayo pa lang makikita mo ang liwanag ng dalawang palapag na bahay.Mga ilang minuto pa lang pumasok ang sasakyan ni Rico sa gate, akala ni Ella bababa na sila pero mula sa gate umandar pa ang sasakyan. Namangha siya sa nabungaran sa loob. May malaking fountain na nasa gitna ng labas ng mansion, napakaromantiko ng pagkakailaw doon.
May nabungaran siyang estatwa na animo’y nakatingin sa langit, may pagkakahawig kala Rico ang naturang estatwa na malamang ninuno nila ang nagpagawa noon, dahil na rin sa kalumaan nito pero halatang alaga sa linis.
At dahil gabi na, hindi masyado maaninag ang ibang parte dahil na rin sa mga nagtataasang puno at iba’t ibang halaman at bulaklak na nagpadagdag sa ganda ng mansion.
Napahinto ang sasakyan sa mismong harap ng mansion, kapansin-pansin ang dalawang palapag ng bahay. Naiilawan ang buong parte nito kaya kitang-kita kung gaano kalaki ang naturang bahay.
“Welcome to Cheung Mansion”, nakangiting saad ni Rico. Binuksan nito ang sasakyan at iginiya sila papasok ng bahay.
Lalo sila napahanga sa ganda ng loob nito. Kapansin-pansin ang malaking chandelier sa kisame at ang malaki at mataas na hagdanan sa bandang gitna ng bahay. Kung bababa ka siguro doon animo’y isa kang prinsesa. Kapansin pansin din ang elevator sa parteng kanan.
“Dito muna kayo, tatawagin ko lang si momy.”nakangiting sabi ni Rico, tinawag nito ang katulong at binigyan sila ng merienda.
Nakaupo sila sa sofa na napakalambot halatang mamahalin ang lahat ng gamit doon. Napansin ni Ella na maraming katulong ang naturang bahay, bawat sulok kasi may nakikita siyang naka unipormeng katulong.
Tiningnan ni Ella si Lance na katabi niya, wala itong imik at mukhang pinag mamasdan lamang ang lugar.
Napansin ni Lance ang pagtingin sa kanya ni Ella. Nginitian niya ito at inakbayan. Nagugulumihan si Lance sa bahay na napuntahan. Ang alam sa Academy ang football captain na si Rod Cheung ay isang scholar at inampon ng pamilya nila Dennis, na siyang kaibigan nito. Pero base sa mga sinabi ni Rico na pag-aari ito ng isang Cheung at tinawag nitong momy ang nakatira doon, may mali sa katauhan ni Rod na siyang alam ng lahat.
Sa di kalayuan nakatingin si Rod at hinihintay nito si Rico sa taas ng bahay.
“Bakit kasama ang lalaking iyon?” galit na sabi ni Rod sa kakambal.
“Hindi ko masasama si Ella kung hindi siya kasama. Mahirap kausap si Steven.” pagpapaliwanag ni Rico alam niyang kukulitin siya ng kapatid.
“Iyong sulat na ibinigay ni momy, pinabasa mo ba?.” nagtatakang tanong ni Rod. Hindi siya makakalapit kay Ella kung kasama nito si Lance.
“Mahirap makipag-usap kay Steven, ni hindi nga niya binasa ang sulat. Kakaiba ang lalaking iyon para akong nakikipagclose ng deal sa negosyo.” naiiling na sabi ni Rico.
“Kailangan ko makausap si Ella.”naiiritang sabi ni Rod.
Alam ni Rico hindi siya tatantanan ni Rod pero may naisip siyang paraan para humiwalay si Lance kay Ella. At pupuntahan niyo ito ngayon.
“Diyan ka lang huwag ka magpapakita kay Lance. Gagawa ako ng paraan. Pigilan mo muna iyang galit mo, mukha ka na naman kasing sinasapian.” nakangising sabi ni Rico.
Umalis si Rico pero hindi na naman niya mapigilan ang nararamdamang galit na unti- unting sumisibol habang nakatingin kay Lance. Nakita niya mag kausap ang dalawa, kung kanina naka akbay ito sa dalaga ngayon ay nakahawak na ito sa kamay ni Ella.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...