"Ano ginawa mo kay Marie?" galit na sabi ni Eric hinatak nito si Dennis mula sa natutulog na dalaga.Mula sa malayo nakita nila Steven si Dennis na nakaupo kasama si Marie, na halatang nakatulog sa kalasingan, nakasuot na dito ang jacket ng lalaki.
Kinuha ni Steven si Marie mula kay Dennis binuksan nito ang jacket na isinuot nito sa dalaga, hinubad iyon at chineck si Marie. Kinuha ni Lance at binato kay Dennis ang jacket nito.
"Welcome to our kingdom.... La Secretos. at iyon ang trono namin ang El Cielo." maangas na sabi ni Dennis. Tinuro pa nito ang El Cielo na sakto nagpalit ng ilaw na parang kastilyong nakatayo sa buong kaharian.
"Tangina. Kayo may-ari nito?" tanong ni Lance at tumingin kay Eric na waring nagtatanong kung may alam ito.
Hindi makuha magsalita ni Eric hindi naman sinabi ni Mikael ang ilan pa sa mga may-ari ng naturang bar.
"Booooom..." tumatawang sabi ni Dennis.
Tumingin ang tatlo sa kinatatayuan ng El Cielo na nagpalit na naman kulay ng ilaw. Kakaiba ang bahaging iyon ng bar bukod sa halatang nakaka-angat iyon sa iba, makikita ang pag liwanag nun tuwing nagpapalit ang kulay ng mga ilaw sa bar.
Isinalya ni Eric si Dennis sa pader, napapaisip siya kung paano ang mga dise syeteng anyos na mga lalaki ay puwede na mag-ari at mamahala ng ganoong uri ng bar.
Alam nila kanina hindi lang basta bar iyon ng mga kabataang walang ginawa kundi magsaya sa buhay, lugar rin iyon ng makamundong pagnanasa ng mga kabataang naroroon at ang ebidensya noon ay ang pitong babaeng bumaba ng halos hubad sa El Cielo. Isama pa ang mga kabataang nasa dance floor na hindi lang basta-basta naghahalikan.
Bumakas sa galit ang mukha ng tatlo partikular kay Steven, ibinigay nito si Marie kay Eric at patakbo itong pumunta ng El Cielo.
Kinuha ni Eric si Marie mula kay Steven at dahil mukha na itong walang suot ibinaba niya ito at hinubad ni Eric ang t-shirt at isinuot kay Marie.
"Sabi na kasi huwag ito ang susuutin mo.' asar na sabi ni Eric habang isinusuot ang t-shirt kay Marie na mahimbing ng natutulog.
Nakatingin si Dennis sa dalawang nasa harapan, kung hindi lang tulog at karga ni Eric si Marie malamang naundayan na niya ng suntok si Eric. Nang masuot ni Eric ang t-shirt binuhat nito si Marie nagawa pa nitong tingnan ng matalim si Dennis.
Mababakas ang galit sa dalawang lalaki papuntang El Cielo at dahil madadaanan nila ang naturang dance floor bago makapunta roon, halos hawiin at balyahin ng dalawa ang mga kabataang nag-sasayaw at nag-iinuman, lahat halos ay lasing na at walang pakialam sa mga nangyayari.
Mas dumami pa ang mga tao ng payagan muling magpapasok ni Ramon sa bar. Alas tres na ng madaling araw at buhay na buhay pa rin at hindi maawat ang mga kabataang naroroon.
Mula sa taas ng El Cielo nakita ni LJ sila Steven na paparating kasama nito si Lance at mababakas ang galit sa dalawa. Namataan din niya si Eric na buhat si Marie na nakatulog sa kalasingan at inilabas ng bar.
Nakatayo si Ramon mula sa balcony ng El Cielo nakita niya ang dalawang paparating at ang pag-turo kanina ni Dennis sa kinaroroonan nila alam niyang susugod ang tatlo pero dahil buhat ni Eric si Marie palabas mukhang ang dalawa lamang ang makakabanggaan nila.
Tiningnan ni Rod si Ella mula sa pagkakahiga sa couch, mahimbing ang tulog nito. Alam niya maya-maya susunduin na ito ng mga guwardiya nito.
"Pare paparating na." nakangising sabi ni Ramon kay Rod.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...