Kabanata 50

292 18 0
                                    


Kanina pa si Kat naghihintay kay Dennis sa parking lot. Ayaw naman niyang hintayin ang binata sa football field, dahil naroroon si Rod. Alas siyete na ng gabi. Maaga ang mga ito nag ensayo pero dahil mainit sa field hapon na uli itinuloy.

Papunta si LJ sa sasakyan dahil naiwan nito ang bulaklak na ibibigay niya kay Patty, halos sabay lang sila matapos sa pag eensayo. Nasa Journalism room pa si Patty habang siya ay kakatapos lang sa gagawing kanta para sa nalalapit na party.

Nang mamataan ni LJ si Kat. Nakatayo ang dalaga sa kotse ni Dennis at halatang hinihintay nito ang lalaki.

Nang mapalingon si Kat, nakita niya si LJ na papunta sa gawi niya. Napalingon siya sa likuran at napagtanto na katabi lang nito ang sasakyan ni Dennis at Rod.

Hi,”tipid na bati ni Kat na makalapit na ang binata. Hindi siya pinansin nito na itinuloy lang ang pagbukas ng sasakyan nito.

Narinig niya ang mahinang pagbati sa kanya ni Kat pero ayaw niya itong makausap, hindi niya maramdaman ang sinseridad ng  tono nito. O dahil nawalan talaga siya ng tiwala rito.

Alam ko malaki ang galit mo sa akin. Pero sorry, iyon lang iyong puwede kong gawin para mapatawad mo ako,” lakas loob na sabi ni Kat. Baka sakaling kausapin siya nito.

Ganyan ka ba talaga? Kailangan after ng isa, may panibago na naman. Or ganyan ka ba talaga pilit mong isiniksik ang sarili mo sa ayaw sayo at sa ayaw makipag-usap sayo?”nang uuyam na sabi ni LJ.

Kung ang tinutukoy mo sa unang tanong ay si Dennis, may usapan kami hindi ako makatanggi. Maniwala ka man o hindi ayoko sana kaso wala akong choice.”sagot ni Kat dito.

Kailan ka ba nag ka-choice? Lahat naman na nangyayari sa buhay mo ang rason mo, wala kang choice.”ismid na sabi ni LJ.

Ilan buwan na lang naman, hindi mo na ako makikita. Hayaan mo after ko makagraduate, maghahanap na ako ng matinong trabaho. Para pagnagkasalubong tayo, makakausap mo na ako na hindi ako iniinsulto.”sabi ni Kat

Nagpapatawa ka ba? Hindi kita iniinsulto. Ikaw mismo ang nang iinsulto sa sarili mo. Dapat pag gumagawa ka ng isang bagay, siguraduhin mo masisikmura mo ang tingin sayo ng mga tao.”seryosong sabi ni LJ.

Kailan mo kaya ako mapapatawad?” tanong ni Kat .

Hindi kita mapapatawad. Kung ano ka noon, kung ano ka ngayon, ganoon ka pa rin bukas, sa makalawa at sa mga dadaan pang mga taon. Para kang alak, hindi dahil sumasarap ka, para kang alak kasi habang tumatagal, kumakapal iyong mukha mo. Ang tapang ng mukha mo magpakita sa mga lalaking pinaglaruan mo at nilalapitan mo pa”nakangising sabi ni LJ.

Iyan ang gusto ko. Iyong ilabas mo lahat ng galit mo. Para kahit papaano mabawasan naman iyang dinadala mong galit para sa akin.”sabi ni Kat.

Kakaiba ka talaga, ang talino mo nga. Marunong kang mag paikot ng tao.”mapaklang sabi ni LJ.

Kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko, ang lahat ng nagyayari sa akin. Ganyan ka pa rin kaya sa akin?”saad ni Kat. Alam niyang mali itong kausapin pero hindi niya mapigilan ilabas ang  kagustuhang makausap ito.

Bakit ba sa dinami daming lalaking dumaan sayo, bakit ako iyong pinagpipillitan mo kausapin? Mukha bang may hindi ka pa nakukuha.”sarkastikong sabi ni Lj

Gusto kita kausapin, kasi hindi naman kita sinadyang saktan.”pagpapaliwanag ni Kat.

Ahhhh, kasi hindi mo ako naperahan. Magaling. Pero hindi ako magpapakatanga uli sayo.”sabi ni LJ na hindi pinansin ang sinabi ni Kat.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon