Kabanata 20

405 34 2
                                    


Ella, nagkaroon yata ng himala ang langit?” bulong na sabi ni Marie sa kaibigan.

Nasa school library sila ng araw na iyon kasama si Patty at mga kaibigan para gumawa ng research sa Science. Nang biglang kinalabit ni Marie si Ella nang makita kung sino ang papasok sa entrance ng library.

“Bakit naman?” kunot noong bulong na sagot ni Ella dito.

Nagbukas yata ang langit at bumaba ang mga guapong anghel?” tumirik pa ang mata ni Marie ng sabihin ito.

Anong langit, baka nagbukas ang pintuan ng impyerno para palabasin ang mga demonyo,”simangot na sabi ni Ella ng lingunin nito at makita kong sino ang sinasabi ni Marie.

Papasok mula sa entrance ng library ang tatlong lalaki na animo’y wala ito sa library kung mag usap sa sobrang lakas ng presensya ng mga ito. Nagsisitinginan ang mga estudyante sa mga ito. Ang iba ay animo’y kinikilig pa sa nakikita.

Hoy grabe siya oh. Ano kaya nakain ng mga iyan at naisipan bumisita sa library?” bulong ni Marie.

Nasa sulok sila ng library sa bandang dulo kaya kita nila ang mga nagaganap sa parteng iyon.

Huwag ka ng maingay diyan. Mapansin ka pa. For sure naghahanap ng aasarin mga iyan. Nang sumabog ang kademonyuhan sinalo nilang tatlo.” Nakasimangot sa sabi ni Ella. Nakayuko siya at iniiwasang mapatingin sa grupo ng pumasok. Ayaw ni Ella mapansin sila ng grupong iyon at baka asarin na naman sila.

Nang ilang sandali lang narinig nila ang ingay na bumagsak na libro mula sa mesa ng librarian. Wala doon ang namamahala dahil nasa meeting ito, ang student libararian lamang ang naroon ng araw na iyon.

Mga walanghiya talaga. Nabasa siguro iyong note sa labas, na nasa meeting  si Mam Sofia,” sabi ni Ella.

Ms. Sofia Santos, school librarian, ninang at distant relative ni Dennis.

.......

Wala sana siyang balak pumunta sa library kung hindi nga lang nagyaya si Ramon, may titingnan daw ito. Nag tataka naman sila ni Rod kung bakit sa dinami-daming lugar sa library pa naisipan tumambay nito.

Ano ba iyan pre, nakakaboring ang katahimikan dito,” asar na sabi ni Rod. Naudlot ang pagyoyosi break niya dahil sa pagyaya ni Ramon.

Sandali lang tayo. May titingnan lang ako.” Nakangising sabi ni Ramon.

Pare makita pa tayo ni Mam Sofia dito. Madali lang mag meeting mga iyon.” Naiinip na sabi Dennis

Pare di ba sabi mo taga dito iyong mukhang face app na nirereto sayo nila Tita.” Kantyaw na sabi ni Rod

Iyon naman pala. Let’s check her kung mukha ngang face app. Baka may balbas pa iyon.” natatawang sabi ni Ramon habang kunwaring naghahanap ng libro sa shelves.

Huwag na baka mukha pang macho sa akin iyon,” natatawang ganting sagot ni Dennis

Sa di kalayuan napansin ni Rod sila Ella mukhang nagtatago ang mga ito. Malamang nakita na ng mga ito na naroroon sila. Nagkunwari siyang hindi ito nakita.

Pwede po pahinaan iyong mga boses niyo. Nasa library po tayo. Observe silence po,” sabi ng isang babaeng may hawak ng mga libro.

Nagtinginan ang tatlong lalaki sa nagsalita. Namukhaan ito  ni Ramon.

Ow, Tiffany. Do you remember me?” pilyong sabi ni Ramon.

Hindi po.”mabilis na sagot ni Tiffany

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon