Kabanata 121: Unexpectedly

290 19 10
                                    

(Just click the theme song for this chapter)

(Just click the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4th day 10am
Road to Mt.Esperanza
El Paradiso

"Mga may saltik talaga kayo." inis na sabi ni Marie.

Akala ni Marie kanina totoo silang nakidnap ni Ella. Hindi siya makapaniwalang kakaiba talaga ang saltik ng apat na lalaking ito.

"Natakasan natin sila, nakita niyo ba iyong mukha ng tatlo? Kung baril lang iyon tadtad na tayo ng bala." natatawang sabi ni Dennis.

Nasa van sila at umiba sila ng daan papuntang Mt. Esperanza.

"Ilang oras ang biyahe, Carlo?" tanong ni Rod na natatawa sa ginawang kalokohan.

"Mas malayo ang rutang ito sir baka mga anim na oras ang biyahe." sagot ni Carlo. Tiningnan niya ang mga ito sa salamin ng sasakyan at naiiling sa ginagawa ng mga batang ito. Naghanap pa siya ng taong kukuntsabahin nang madaling araw para pumayag sa kalokohan ng apat.

"Carlo, hanapan mo kami ng dalawang lalaki na mukhang goons ang pormahan. Kailangan ko mamayang umaga." sabi ni Rod kay Carlo ng kausapin nito sa telepono.

"Sir, saan naman po ako hahanap ng ganun sa ganitong oras?" naiiling na sabi ni Carlo, alas kuwatro pa lang ng madaling araw at hindi pa nga siya nakakatulog ng mahimbing ng tumawag ito.

"Basta hanapan mo kami. May bonus ka sa akin. Pagsuutin mo ng leather jacket para kontrabida style, lagyan mo ng bonnet tapos bumili k ng laruang baril na mukhang totoo." natatawang utos ni Rod

Nababaliw na siya sa pinag-kakagawa ng apat na magkakaibigang ito, naririnig pa ni Carlo ang tawanan ng mga ito sa kabilang linya.

"Saan niyo naman po gagamitin?" tanong ni Carlo.

"Maglalaro tayo." sagot ni Ramon sa kabilang linya, ng ilagay ni Rod sa speaker mode ang cellphone nito.

"Kumuha ka ng maganda umarte kung hindi mawawalan ka ng trabaho." natatawang sabi ni Dennis.

"Saka pala iyong van na bago, kunin mo sa pantalan mamayang alas singko. Huwag kang male-late at baka magtaka ang mga tauhan ni Rico na naroroon." utos ni LJ. Tumawag pa sila mismo sa kaibigan sa kabilang bayan para kumuha ng bagong sasakyan. Dealer ang mga ito ng sasakyan at saktong may itim na van itong pinagbebenta na nasa bahay nito.

"Sige po sir." naiiling na sagot ni Carlo, mukhang hindi yata siya makakatulog ng maayos sa mga batang amo.

"Huwag ka mag-aalala, may bonus ka sa aming lahat." paniniguradong sabi ni Ramon.

"Salamat po." sagot ni Carlo dito bago maputol ang linya.

At ito sila ngayon, tinatahak ang napakalayong daan papuntang bundok.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon