Kabanata 120: They Don't Know About Us

297 20 14
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4th day Cheung Hotel
12am El Paradiso


"Saan kayo nanggaling? Wala ba kayong relo? O hindi kayo marunong magbasa ng oras?" galit na tanong ni Steven kay Ella at Marie.

Nagkatinginan lamang sila habang sinesermonan ni Steven, nasa loob sila ng kuwarto sa mga oras na iyon. Alas dose na ng umaga at kararating lang nila dahil ilang beses nasiraan ang van na sinasakyan nila. Ilang kilometro mula sa hotel nang muli masiraan ang van sa sobrang inis ng grupo ni Rod pinagpapalo ng mga ito ang van hanggang mawasak ang sasakyan.

"Bweset kang sasakyan ka, dapat sayo winawasak na, ng makapagpahinga ka na." galit na sabi ni Ramon kumuha ito ng kahoy at hinampas nito ang mga salamin ng sasakyan.

"Fuck, kanina ka pa nasisira." nagpupuyos sa galit na sabi ni Rod habang hinahampas nito ng tubo ang katawan ng van.

"Napapagod na kami, hindi ka makisama." asar na sabi ni Dennis kumuha ito ng bato umakyat sa van at ipinukpok iyon sa bubong ng sasakyan.

"Pagpapahingain ka na namin." nakangising sabi ni LJ nagulat ang apat na babaeng kasama ng mga ito ng sindihan ni LJ ang makina ng sasakyan. Nagtakbuhan sila

"Lukaz, sasabog iyan." sigaw ni Patty sa nobyo.

"Aissstttt mga may sayad." sigaw ni Marie hindi siya makapaniwala na magagawa ng apat ang ginawa sa sasakyan.

"Ramon, tama na iyan."sabi ni Tiffany habang hila nito si Ramon na pinapalo pa rin ang sasakyan, hinatak niya ito palayo sa van.

"Rod." nanlalaking mata na sabi ni Ella ng makitang umaapoy na ang sasakyan sa ginawa ng apat. Binuhat siya ni Rod palayo sa sasakyan.

Ilang minuto lang sumabog ang van na inarkila nila. Hindi pa nakuntento ang apat binalingan ng mga ito si Carlo na gulat na gulat sa ginawa ng apat na lalaki.

"Huwag mo na kaming bibigyan ng ganoong sasakyan. Naiintindihan mo?" galit na sabi ni Ramon kay Carlo.

"Pumunta ka bukas sa hotel, papalitan ko ng bago sa may-ari ang buweset na van na iyan." inis na sabi ni Rod.

"Asar," inis na sabi ni LJ, binato pa nito ang van na tupok na sa apoy.

"Kapag sinabi naming maayos iyong aarkilahin mo, ayusin mo." asar na sabi ni Dennis. Kung puwede nga lang sana bumili ng bagong sasakyan ginawa na nila pero nakabantay ang mga magulang nila at binalaan sila na huwag sila bibili ng sasakyan habang nasa isla.

Nahihintakutang umalis si Carlo sa lugar na iyon.

"Ngayon paano tayo uuwi?" galit na sigaw ni Marie sa apat na lalaki.

"Maglalakad kami." sabi ni Dennis at binuhat nito si Marie at naglakad palayo sa lugar na iyon.

"Mas okay ito kaysa nakaupo at naghihintay." nakangising sabi ni Ramon kay Tiffany.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon