(Just play the theme song for this chapter)
6th day El Paradiso
4pm Cheung Rest House"Guys dito muna tayo, nag-pahanda na ako ng pagkain." sabi ni Rod ng dumating sa rest house dalawang oras na biyahe lang ang nagawa ni Felix, dahil tinahak nito ang short cut na daan. Malayo-layo rin ito sa hotel.
Ang rest house ng mga Cheung ay nakatayo sa parteng bundok kung saan matatanaw ang dagat, may mataas itong hagdang bato na papuntang karagatan, hindi rin basta-basta makakapasok sa lugar na ito dahil may mga security camera sa naturang mga daanan nito, bukod pa sa mga bodyguard na nagkalat sa paligid ng rest house.
"Kung dito na rin kaya ako matulog." sabi ni Marie nakahiga ito sa mahabang sofa at kasama nito si Ella.
"Hindi ka puwede dito, pampasikip ka. Doon tayo sa cottage ko, mas maganda doon. Malapit lang naman iyon dito maglalakad lang tayo malapit sa dalampasigan." nakangiting sabi ni Dennis.
"Ayoko doon wala naman si Ella doon, wala ako kalaro." sabi ni Marie humiga pa ito sa hita ni Ella.
'Maghiwalay muna kayong dalawa, mahirap na baka ano na naman ang gawin niyong dalawa." sabi ni Dennis pinaupo nito si Marie at gumitna sa pagitan ni Ella at Marie, nakuha pa nitong ngitian si Ella na ikinapula ng mukha ng dalaga.
Nakita ni Rod ang ginawa ni Dennis.
"Bawal ka diyan sweetheart." seryosong sabi ni Rod hinawakan nito si Ella at inilayo kay Dennis, na ikinatawa nila LJ at Ramon.
"Pare, lumayo ka kay Ella baka barilin ka bigla ni pareng Rod." sabi ni Ramon ng makitang nag-iba ng timplada si Rod.
"Baka uminit na naman ang ulo niyan, sayang naman ang pagkakataong magsaya" natatawang sabi ni LJ.
Pinaupo ni Rod si Ella sa kabilang sofa at tinabihan ito.
"Nginitian lang naman." natatawang sabi ni Dennis.
Nagulat ang lahat ng biglang tumayo si Marie at naglakad papuntang pintuan.
"Marie, saan ka pupunta?" sigaw na tanong ni Ella.
"Sa baba, samahan mo ako. May nakita ako kanina ng hagdang bato papuntang dagat." nakangiting sabi ni Marie bitbit nito ang cellphone.
"Sandali, sasama ako..." akmang tatayo si Ella ng hilahin ito ni Rod.
"Mamaya na kayo pumunta, wala kayong kasama doon." seryosong sabi ni Rod.
"Kaya naman ni Marie." sabi ni Ella, mukhang tinopak na naman ang nobyo at inabot na naman ng selos ito.
"Hindi puwede." diin na sabi ni Rod.
"Gusto ko." sabi ni Ella nginitian nito si Rod para pumayag ito, at maya-maya napapayag din niya ito.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...