Papunta si Tiffany sa Library ng araw na iyon, mula ng mangyari ang insidente sa ValPark, hindi na siya mapakali. Pakiramdam niya kasi andyan lang si Ramon sa paligid. Kaya halos kada araw iniiba niya ang ruta ng dinadaanan para hindi masalubong ang binata.
Bukod sa insidente sa Library. Kinatakutan niya rin si Ramon ng mapadpad siya sa La Secretos at hinatid siya ng gabing iyon ng binata. Nang ibaba siya nito sa labas ng naturang building ng bar nag flash back ang gabing iyon sa bar.
Pag baba ni Ramon mula sa pagkakabuhat kay Tiffany hinawakan niya si Ramon sa mukha. Alam ni Tiffany kanina pa nagpipigil ang binatang molestyahin siya pero gaganti muna siya sa mga ginawa nito sa kanya sa library at sa pagtanggal nito sa trabaho niya.
"Ramon, thank you pala ha. Sa pagtatanggol sa akin kanina. Pero dahil tinanggal mo ako sa trabaho, hindi kita patutulugin ngayon gabi." Nang aakit na sabi ni Tiffany, na ikinagulat ng binata.
Hindi alam ni Tiffany kung hindi nga ba talaga siya nakainom, ng droga kanina sa basong ibinigay sa kanya ng lalaki sa bar. Iba kasi ang iniisip niya ngayon. Tulad ngayon, inaabot niya ang labi nito para akitin ang binata, matangkad na siya pero kailangan niya pa ring tumingkayad kay Ramon na mas matangkad sa kanya.
Nalilito si Ramon sa ginagawa ni Tiffany, mukha nga nakainom ito ng droga kanina. Ikinawit ng dalaga ang kamay sa batok niya at hinalikan siya nito. Hindi ito marunong humalik halos nilalaro lang nito ang labi sa labi niya. Pero kahit ganoon mas lalong sumidhi ang init na kanina niya pa pinipigilan.
"Anong meron sa babaeng ito?" tanong ni Ramon sa sarili niya.
Hindi pa nakuntento si Marie kinagat nito ang labi ng binata at idinikit nito ang sarili sa pambabang sandata ng binata na lalo ikinainit ni Ramon. Napayakap siya sa dalaga at akmang sasagutin ang halik nito ng bigla siya nitong tuhurin sa gitna niya. Napadaing siya sa sakit at kumawala sa pagkakayakap sa dalaga.
Naramdaman ni Tiffany ang umbok sa gitna ni Ramon ng sadya niyang idinikit ang sarili dito. Nakadroga nga yata siya at tumatalab ito ngayon. Kahit nag iinit na rin ang pakiramdam ni Tiffany naisip pa rin niya, na ito ang pagkakataon para pahirapan niya ito. Tinuhod niya ang nakaumbok na sandata nito.
"Tumalab iyong drugs pero bigla rin nawala, hahahaha. Good night Ramon." pilyang tumawa si Tiffany
Tumakbo na siya palayo dito at hindi na muling nagpakita. Narinig pa niya ang sigaw, mura at pagbabanta nito sa kanya na gabi gabi niya napapanaginipan. Para kay Tiffany isa itong demonyo na nagkatawang tao. Gusto niya mag sisi sa ginawa dito at alam niyang hindi siya lalo nito titigilan. Pinangako niya sa sarili hindi na siya iinom nang ibinibigay ng iba dahil sigurado may drugs iyon.
Hindi niya akalain ng araw ng insidente sa ValPark ang araw na muli nilang pagkikita. At lalo niya kinatakutan ang binatang halos wala man lang inindang sakit sa katawan sa mga tinamang suntok at tadyak dito.
Palinga linga pa si Tiffany sa paligid. Nasa loob ang lahat ng estudyante ng mga oras na iyon, pero dahil ayaw niya pasiguro at alam niyang hindi naman pumapasok si Ramon sa mga klase nito. Dumaan siya sa ValPark, ito ang malayo pero ang mabisang daan para maiwasan ang binata.
Umikot pa siya sa isang building, bumaba, pumasok muli, pero bumaba uli ng hagdan para masiguradong walang sumusunod sa kanya. Kahit araw araw siyang ganito okay lang basta ligtas siya mula sa binatang kakambal yata ni Lucifer.
"Halika nga dito," hatak kay Tiffany ng isang lalaki papunta sa damuhan ng ValPark. Tinakpan nito ang bibig ng dalaga.
Dahil nakatalikod si Tiffany nagawang takpan ng lalaki ang bibig niya at sinunod nito ang mata niya. Nasa mataas na damuhan sila ng naturang park. Malakas ang lalaking humawak sa kanya hindi pa ito nakuntento ginapos pa nito mga kamay niya sa likuran niya at isinalya siya sa upuan na hindi niya alam kung paanong nagkaroon ng upuan doon.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...