Kabanata 115: Rewrite the Stars

275 19 8
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga pa. Sayang naman kung hindi natin mararanasan ang bar sa isla.” nakangiting sabi ni Marie.

Balita ko may mga turista na naman dumating kanina.” pilyang sabi ni Tiffany.

Nasa kuwarto sila nila Ella at Marie ng mga oras na iyon, kanina pa silang alas-sais sa kuwarto at halos maubos na yata nila ang makakain sa loob ng ref ng kuwarto.

Baba na tayo, nakakaboring dito. Para ma-enjoy natin ang gabi sa isla.” nakangiting sabi ni Ella.

Oo, lugi tayo para tayong nakakulong tapos sila nagkakasiyahan sa labas.” nababagot na sabi ni Patty, nakaidlip na nga siya sa kama ni Ella kanina.

Ano pa ginagawa niyo?” sabi ni Tiffany na naka-ready na. Nagsitayuan sila Ella at Marie pero si Patty nakaupo pa rin sa kama.

Ano ginagawa mo?” tanong ni Ella kay Patty ng makitang may tinatawagan ito.

Mag-papaalam ako kay Lukaz.” sabi ni Patty. Ida-dial pa lang niya ang numero nito ng hablutin ito ni  Marie.


Aiiiiiiisssssttttt, huwag mo ng tawagan. Hindi tayo makakapagsaya ng maayos kapag nandiyan sila. Kaya walang magdadala ng cellphone.” pilyang sabi ni Marie.

Isa-isa silang kinapa ni Marie at sinigurado nitong wala silang ibang dala. Pinahiram pa nito ng damit si Patty at Tiffany dahil hindi na ito pinabalik ni Marie sa kuwarto ng mga ito at baka makita pa ito nila Ramon at LJ.

12midnight 3rd day
Paradise Palace Bar El Paradiso

Isang bar na malapit sa dalampasigan, hindi ito tulad ng ibang beach resort na madumi Kung tutuusin, para kang nasa ibang bansa pag nakarating ka sa naturang bar. Nasa labas pa lang naririnig sa ang ingay mula sa loob nito. Pagpasok ng apat hindi nila akalain na malaki ang loob ng bar hindi nga lang kasinlaki at lawak ng La Secretos pero hindi naman ito pahuhuli sa mga naggagaslawang mga ilaw.

Ayos dito.” sabi ni Tiffany ng nasa counter sila ng bar at umiinom habang nanonood ng mga tricks. Pinapaikot ng mga ito ang bote na ilalagay ang laman nun sa mga baso ng apat.

Woow. Ang galing dahil diyan bibigyan kita ng malaking tip.” sabi ni Marie naglabas ito ng pera at nagtaka sila Patty at Tiffany sa inilabas na pera nito.

Mayaman iyan si Marie, nagpapanggap lang na mahirap iyan.” natatawang sabi ni Ella, alam niya kasing ang perang iyon ay ang ibingay na pera ng parents ni Dennis para kay Marie.

Ikinibit balikat na lang nila Patty at Tiffany ang nakita at nag saya muli sila. Hindi namamalayan ng apat ang oras magdadalawang oras na sila doon at halos naka-ilang bote na rin ang mga ito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon