Kabanata 61 : Lance vs 3

304 19 1
                                    

"Bhes, mukhang hindi sila umalis?" hinihingal pang sabi ni Marie.

"Ano?" tanong ni Ella sa sobrang hingal hindi na niya marinig si Marie.

"Sila Rod at barkada niya mukhang hindi naman yata umalis." sabi ni Marie.

Maya-maya nag ring ang cellphone ni Marie.

"Marie, si Ella? Bumalik kayo. Tawagan mo sila Steven. Si Lance pinagtutulungan nila Rod." sabi ni Patty sa kabilang linya.

"Ano?" gulat na sabi ni Marie. Nahihintakutang hinila ni Marie si Ella.

"Bakit tayo babalik?" nagtatakang tanong ni Ella habang hatak siya babalik ni Marie.

Hindi na makapagsalita si Marie sa nalaman at sa tensyon na nararamdaman.

Humihingal si Ella ng bumalik muli sa canteen. Mula sa malayo nakita niya si Lance na pinagtutulungan ng tatlo, umiiyak si Patty habang pinipigilan si LJ na tulungan si Lance.

"Rod," sigaw ni Ella pero mukhang hindi siya narinig nito. Iniwan ni Ella si Marie at tinakbo niya ang akmang pag sipa ni Ramon kay Lance.

"Huwag."sabi ni Ella naharang nito ang katawan kay Lance. Nagulat ang lahat sa nangyari napasadsad si Ella sa lupa sa sipang tinamo kay Ramon.

"Oh my God." sabi ni Patty pinuntahan nito si Ella na namimilipit sa sakit.

"Shit ang sakit, Pat." naiiyak na sabi ni Ella.

Natulala pa rin ang mga lalaking naroroon. Tumakbo si Marie papunta kay Ella. Hinanap ng mga mata ni Marie si Ramon at malakas itong sinampal.

"Gago ka talaga. Binuhay ka pa ng nanay mo." galit na sabi ni Marie at dinaluhan nito si Ella na namimilipit sa sakit.

Nagulat din si Ramon sa nagawa hindi niya napansin ang pagsulpot ni Ella. Napahawak si Ramon sa batok sa ginawa. Tiningnan nito si Rod pero kay Ella ito nakatingin.

Mukha naman natauhan si Rod ng umiyak si Ella at dumaing sa sakit, nilapitan nito si Ella at binuhat na namimilipit sa sakit.

"Sabi ko tigilan mo na."naiiyak na sabi ni Ella ng buhatin siya ni Rod. Tiningnan nito si Lance na nilapitan na nila LJ at Patty habang si Marie ay tumatawag sa cellphone.

"Gumanti lang ako."sabi ni Rod. Nag-aalala ito kay Ella malakas ang tamang tinamo nito mula kay Ramon. Sa liit ng katawan ni Ella hindi niya alam kung nabalian ito.

Nasa canteen sila at malayo ang clinic doon na nasa Admin Bldg pa naka- puwesto. May sasakyan naman kung sakali emergency at tatawag doon.

"Shit ang layo ng clinic." galit na sabi ni Rod. Hiniga nito si Ella malapit sa puno. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

"Medic, si Rod Cheung ito, nandito kami sa daan papuntang canteen."sabi ni Rod at isinara nito ang cellphone.

Nakatingin si Ella kay Rod mukha itong problemado. May bakas na naman ng suntok ito na marahil natamo sa panlalaban ni Lance. Naalala ni Ella si Lance. Hindi siya nag sisisi na saluhin ang sipa ni Ramon. Mapupuruhan si Lance, nakita niya kanina na wala itong laban sa tatlo. Naalala niya na nalalapit na ang tournament nilang lahat.

Hindi puwede mapuruhan ang kamay ni Lance sa pakikipagsuntukan, na gagamitin nito sa pagpipinta.

"Si Lance?" wala sa loob na naibulalas na sabi ni Ella.

Nagulat si Rod na patanong na sabi ni Ella sa pangalan ni Lance.

"Buhay pa iyon huwag ka mag-alala. Tig-dadalawang sapak lang naman sila Dennis at Ramon sa kanya." nakangising sabi ni Rod, iyon ang napag-usapan nila. Pero hindi niya natantya si Ramon. Nakalimutan niya pag nasa labanan na, wala na itong pakialam sa ibang nangyayari. Ang iniisip nito mapuruhan ang kalaban at umiba ito ng plano.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon