"Ay pukeng nahulog." gulat na sabi ni Marie ng muntik ng matapilok sa hallway.Nagprisinta silang tatlo nila Ella at Patty para tulungan si Jaycee sa gagawing party sa Sabado. Lunes ng hapon iyon at uwian naman na, wala na rin sila masyado nirereview dahil recap na lang ang ginagawa nila sa pag eensayo sa contest.
Nagpasya rin silang tumulong nila Ella pambawi kay Jaycee sa mga gulong kinasabwatan nila. Nagpapasalamat sila dito at hindi nakarating sa admin ang nangyari sa likod ng CluBee.
Narinig niya ang tawanan ng mga lalaki sa gilid ng admin building kung saan nakaopisina ang Student Council. May hawak siyang mga cartolina ng araw na iyon kaya hindi niya napansin ang bato sa daraanan.
"Bato?" nagtatakang tanong ni Marie sa sarili ng makitang may bato sa hallway.
"Marie, anong tinatanga- tanga mo. Huwag mo sabihin sa akin may hang over ka pa?" nagbibirong sabi ni Ella may dala itong mga kurtina na siyang pamimilian kung anong design ang nababagay at gagamitin sa okasyon.
"Aissssttttt, huwag mo ng paalala iyong nangyari noong Linggo." Inis na sabi ni Marie. Halos buong araw ng linggo, ng umuwi sila hindi na siya nakalabas ng bahay at maghapon lang sa kuwarto. Pinagalitan pa siya ng lola niya buti na lang naroon si Eric para magpaliwanag sa kanya.
"So, wala na iyong plano natin?" bulong na sabi ni Ella.
"Siyempre meron pa. Palipasin muna natin ang tournament. Babalik tayo doon." bulong na sagot ni Marie.
"Hoy kayong dalawa ang pinag- bubulungan niyo?." saad ni Patty may hawak itong laptop para sa aayusin na video clip sa event.
Tumingin sila Ella at Marie sa paligid bago mag salita.
"Huwag kang maingay. Pupunta kami uli sa La Secretos. Gusto mo sumama?" yaya ni Marie kay Patty.
"Pass ako. Hindi ko kaya iyong ginawa natin. Ang dami kong sinuka. Nahihiya nga ako kay LJ nasukuhan ko siya, pati iyong loob ng sasakyan niya." tangging sabi ni Patty.
"Ikaw bahala. Hindi ka naming pipilitin kasi baka magalit pa sa akin si papa LJ." sabi ni Marie.
"Nakuha mo na ba?" naiintrigang tanong ni Ella kay Marie.
"Yup, nakuha ko. Ako pa." sabi ni Marie. Hinila nito ang dalawa sa gilid at inilabas ang sinasabi nitong nakuha.
"Grabe. Huwag niyong sabihin sa akin. Papasok kayo doon na dalawa lang kayo." gulat na sabi ni Patty ng makita ang VIP card ni Eric na hawak ni Marie. Nakangiti pa ang dalawang kaibigan na waring nananabik sa muling pagpunta roon.
"Huwag ka maingay. Minsan lang naman ako tumakas kay kuya. Sasabihin ko matutulog ako kala Marie. Then gogora kami." nakangiting sabi ni Ella.
"Ang tapang mo, paano kung mahuli ka ng kuya mo? Lagot ka na naman Ella Mae." pananakot ni Patty.
"Hindi siya mahuhuli. Hindi kami mahuhuli." natatawang sabi ni Marie at isinuksuk sa bra ang VIP card ni Eric.
"Bahala kayong dalawa labas ako diyan." umiiling na sabi ni Patty. Pero may pakiramdam siya na parang gusto niya rin sumama.
"Pumasok ka pa, hahahahaha." nakakalokong sabi ni Marie.
"Baka magbago isip mo. Open pa ang alok namin." nakangiting sabi ni Ella na naki pag apir pa kay Marie.
Kanina pa pinagmamasdan nila Dennis ang tatlong babae na nagbubulungan. Mukha hindi na napansin ni Marie ang isa pang bato na itinapon ni Dennis malapit dito.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...