Kabanata 82: Destiny

314 18 7
                                    

(Click niyo iyong music kasabay ng pagbabasa ng talatang ukol sa video clip)

........

Maraming tao ng dumating, hindi inaakala ni Ella na ganitong karami ang kalahok na sasali sa tournament, daig pa yata nito kadami ang bilang ng kalahok sa palarong Pambansa. Lahat ay nakabihis ng magaganda. Nagpasalamat siya sa isip sa momy ni Rod at hindi siya nagmukhang basahan sa lugar. Kung tutuusin naman kasi pili lang naman silang mahihirap sa naturang paaralan. Kaya halos lahat ng naroroon ay magagara ang mga damit.

Samahan pa na ang mga dumarating na sasakyan ay magaganda at mamahalin. Dahil unang taon niya sa St. Valentine kaya ngayon lang niya nakita kung paano magpa-party ang paaralan at masasabing engrandeng pagtitipon ang magaganap sa araw na iyon.

"Bhes, ang daming tao. Parang nahihiya yata ako." sabi ni Marie na nakahawak pa sa braso ni Ella. Nanliliit si Marie sa nakikita sa paligid. Hindi niya inakalang karamihan sa mga naririto ngayon ay may sinasabi sa lipunan.

Nasa labas pa sila ng bulwagan alas otso na at lalo pang dumarami ang mga taong nagsisidatingan. Sarado ang bulwagan kaya wala pang nakakapasok sa loob.

"May seat number bang binigay?" bulong ni Ella kay Marie. Nakita pa nito sila Lance at Eric na kausap si Jaycee.

"Wala bhes, basta unahan tayo.Tatakbo talaga ako pag bumukas niyang pinto." nakangiting sabi ni Marie. Gawain niya iyon sa dating paaralan nakikipag unahan siya lagi, ultimong kahit maki pagbalyahan siya mauna lang sa upuan.

"Nakakahiya naka dress tayo. Kung doon tayo puwesto sa harapan tapos save na lang natin sila Kuya Steven." bulong ni Ella at dahan dahan silang naglakad ni Marie sa unahan malapit sa pinto.

"Bhes pagnagtulakan dapat handa tayo." sabi ni Marie. Tumingin pa ito sa paligid at inihahanda ang sarili kung sakaling bumukas ang pintuan.

"Baliw, hindi naman concert ito o sinehan. Siguro naman okay na itong puwesto natin. Sigurado nasa unahan na tayo nakapuwesto. Kaso paano kaya ang ayos sa loob?" nakakunot noong tanong ni Ella. Kung nasa unahan nga sila hindi nila alam ang ayos sa loob kung nasa kaliwa o kanan ba ang upuan o kung nagpagawa ba sa gitna ng stage para kay Kian.

'Ay, basta doon tayo sa stage kahit walang upuan basta nasa harapan tayo. Para pag dating ni Kian, aakyat ako agad sa stage. Siya kaya ang prize ngayong gabi." kinikilig na namang sabi ni Marie.

Nakita ni Lance na nagbubulungan ang dalawa at nasa harapan na ang mga ito ng pintuan. Alam niyang makikipag unahan ang mga ito. Gawain na ito ni Ella noong bata pa sila na kapag may paconcert sa plaza. Hinahatak siya nito hanggang mauna sa harapan ng stage. Nangingiti siyang pinagmaamasdan nito.

Tiningnan ni Lance ang paligid, mas maraming tao ngayon kumpara sa mga nakaraang taon at mas mukhang engrade ang ginawa ngayong taon. Kung dati simpleng program lamang at kainan. Ngayon may mga pakulo pa ang admin. Nalaman niya kay Jaycee na ang grupo ni Rod ang tumulong para ihanda ito. Pero sa program walang sinabi si Jaycee hindi daw saklaw nila Rod iyon. Kaya naman napanatag siya sa puwedeng gawin ng grupo ni Rod na kalokohan.

Maingay at lalo pang dumadagsa ang mga tao. Marami na ring naiinip pero nananabik makapasok sa loob. Nang biglang may nagsalita sa speaker na nasa labas ng bulwagan.

"Guys magsisimula na po tayo. Sorry for waiting. First of all may ginawa po kami para hindi po tayo magkagulo sa loob. Dahil mas marami po ang mga kalahok ngayon, naisipan po naming hatiin kayo base sa napiling pangalan ng event coordinator." sabi ng nagsalita.

"May lalapit po sa inyo sa labas ng bulwagan na event staff, at siya ang magbibigay ng makakasama niyo sa upuan at ang numero ng upuan niyo sa loob. Maraming Salamat po." At bigla itong nawala sa mikropono.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon