Kabanata 129: Run Devil Run

276 18 7
                                    

( Just play the theme song for this chapter)

( Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

7th day El Paradiso
6am Cheung Rest House

"Grabe talaga ang dalawang iyan, alas-sais pa lang ng umaga nakababad na sa dagat." sabi ni Patty kay Tiffany.

"Hindi nakakaramdam ng lamig." naiiling na sabi ni Tiffany.

"Hoyyyyy, kayong dalawa diyan. Pumunta na kayo dito at lumangoy kasi mamayang gabi uuwi na tayo." sigaw na Marie.

Nasa dagat ang magkakaibigan para sana makita lang ang paglitaw ng araw, pero ng magliwanag biglang nagtakbuhan sila Ella at Marie sa dagat at nagsimula na naman magharutan.

"Dito na kayong dalawa. Hindi naman malamig iyong tubig." sigaw ni Ella.

"Haist, pagbigyan na natin. Mukha naman hindi talaga malamig ang tubig." nakangiting sabi ni Patty ng makitang nagpupulot na ng shells sila Marie at Ella.

"Sige, padamihan tayo ng shells." sabi ni Tiffany at nag-unahan sila ni Patty sa dalampasigan.

Kanina pa pinagmamasdan ng grupo ni Rod ang apat na babae na naghahabulan at nag-uunahang kumuha ng shells sa dalampasigan.

"Hindi ako pinatulog ni Marie. Masakit tuloy ang ulo ko." inis na sabi ni Dennis, humiga ito sa duyan na naroroon sa balcony.

"Bakit nagawan mo na ba ng kababalaghan?" nakangising sabi ni Ramon

"Napatikim mo na ba ng kamandag ni Dennis?" natatawang sabi ni LJ

"Mabuti sana kung ganoon kaso hindi. Tinadyakan ako paalis ng kama ko. Hindi pa nakuntento hinila ako palabas at pinatulog ako sa sala." nangingiting sabi ni Dennis.

"Pinatulog ka sa sala tapos ngumingiti ka diyan." natatawang sabi ni Rod.

...................

"Dennis, lumayas ka dito sa kama. Huwag mo ako tatabihan." sabi ni Marie kay Dennis

Alas onse na ng gabi at hindi pa natutulog si Marie, naaantok na si Dennis at hindi siya tinatantanan ng babae sa tabi niya.

"Ano bang gusto mo? Ibinigay ko na nga ang lahat ng hiling mo." naiinis na sabi ni Dennis mula ng umuwi sila ng alas-nueve akala niya matutulog na silang deretso kaso hindi siya pinapatulog ni Marie. Huminge ito ng kung ano-ano.

"Ayoko kita katabi." sabi ni Marie at sinisipa si Dennis paalis ng kama.

"Pinagluto na kita ng noodles, pinakain na kita ng mani, nagbukas pa ako ng chips, hinandaan pa kita ng sandwich tapos nakainom ka naman na ng gatas. Bakit ba ayaw mo pang matulog? Patulugin mo na ako." nagmamakaawang sabi ni Dennis, antok na antok na siya pero ang babae sa kama niya hyper pa rin.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon