(Just play the theme song for this chapter)
1st day Cheung Private Airplane
"Bhes, bilisan mo mahuhuli tayo." sigaw na sabi ni Marie.
"Ano ka ba? Masyado ka naman excited. Maaga pa kaya." natatawang sabi ni Ella.
Ito ang araw kung saan pupunta na sila ng
El Paradiso. Isa't kalahating buwan din ang nakalipas mula ng mangyari ang insidente kay Rod pero hanggang ngayon wala silang balita rito."Four hours before departure dapat naroroon na tayo." sabi ni Marie, tig-iisa silang luggage isang bag back at isang shoulder bag sapat para sa isang linggong bakasyon.
"Pero maaga pa naman, ihahatid naman tayo nila Tito sa airport." sabi ni Ella, ang tito ay ang ama ni Eric.
Naisipan nila Marie, Lance at Eric na magkikita sa bahay nila Ella. Handa na rin ang mga lalaki at hinihintay na lamang sila ni Ella.
"Ang tagal niyo naman dalawa." birong sabi ni Eric nasa sala sila ng bumaba ang magkaibigan.
"Siyempre, dapat maganda kami pagsumakay ng eroplano." nakangiting sabi ni Marie ang paborito niyang outfit naka short lang ito at hanging t-shirt pinartneran ng sneakers.
"Bakit ganyan na naman ang suot mo?" naiiritang sabi ni Eric.
"Eric, isla iyon so dapat ang outfit natin pang summer." nakangiting sabi ni Marie.
Tumingin ang tatlo ng bumaba si Ella. Naka short din ito at hanging t-shirt tulad ng kay Marie, mag- kaiba nga lang ang kulay at style."Bakit ganyan ang suot mo?" sabay sabay na nasabi nila Steven , Eric at Lance.
"Si Marie kasi ito iyong hinanda sa akin. Wala na ako mahahatak sa cabinet ko, kasi itinago niya kagabi." inis na sabi ni Ella.
Sa bahay nila natulog si Marie, ito rin ang nag-ayos ng laman ng luggage niya. Binigyan lang niya ito ng listahan ng dadalhin. Ayaw nga sana niya pero nagpumilit ang dalaga, dahil hindi nito sasabihin ang tungkol sa engagement kay Dennis kapag hindi ito ang naghanda ng mga gamit nila. Pati ang susuutin nila ito rin ang naghanda.
"Bakit panget ba? Ang ganda kaya ni Ella para na siyang disi-otso." natatawang sabi ni Marie, ayaw ni Ella ng mga ganoong damit pero no choice ito.
Bumili siya last week ng mga damit na gagamitin nila ni Ella sa isla, hindi niya sinabi sa dalaga. Nakuha niya ang pera sa allowance na ibinibigay ng parents ni Dennis sa kanya. At dahil alam ng mga ito na may one-week vacation sila nagbigay ng malaking halaga ang momy ni Dennis para sa baon niya at mga kagamitin.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...