Kabanata 85: How did you know

342 26 9
                                    


"Grabe bhes, ang saya." tuwang tuwa sabi ni Marie. Dalawang oras din ang itinagal ng naturang concert. Pero may banda pa ring nagpapatugtog sa stage, marami pa ring tao sa dance floor. Pero naisipan nila Marie na magpahinga muna.

Umupo si Marie at tiningnan ang tatlong naiwan na parang hindi umalis sa puwesto, ganoon pa rin ang mga itsura nito seryoso at walang emosyon na mababakas. Wala pa rin si Patty at ngayon lang napansin ni Marie na hindi rin ito nagpakita sa concert ni LJ.

"Bhes, nasaan kaya si Patty?" bulong na tanong ni Marie kay Ella.

Nagtaka rin si Ella ilang oras na ring hindi nagpapakita si Patty sa kanila mula ng isama ito ni LJ sa dressing room nito.

"Gusto mo hanapin natin?" bulong ni Ella. Ayaw din naman niyang manatili sa mesa nila at mukhang may topak pa ang mga kasamang lalaki.

"Sige." sabi ni Marie at sinulyapan nito si Tiffany na sinang-ayunan ng dalaga.

Nakatayo na ang tatlo ng magsalita si Ramon.

"Wala ng aalis. Tapos na ang oras niyo." seryosong sabi ni Ramon. Iniikot nito ang baso sa kamay na nasa mesa. Bumaling ito kay Rod at nagngitian ang dalawa.

"Kami naman." nakangising sabi ni Rod. Umayos ito ng upo tiningnan ang dalawang kaibigan na waring nag-uusap sa mga mata.

Nagtinginan sila Ella, Marie at Tiffany, mukhang may saltik sa pag-iisip ang mga lalaking kasama nila.

"Hoy, umayos kayong tatlo." sabi ni Marie ng hindi mabasa ang iniisip ng mga lalaking kasama. Kumuha ito ng juice at ininom iyon ng deretso.

"Umupo ka lang." sabi ni Dennis. Seryoso na ito ngayon at mukha ng hindi madadala sa biro. Sinulyapan ito ni Marie, napansin ni Marie nagbago na rin ang timplada ni Dennis.

"Alas dose na ba? Parang nagpapalit na kayong ng tatlo ng anyo." sarkastikong sabi ni Marie. Hindi siya umupo pero kinakausap sila Ella sa mata lamang.

"Tik tak tik tak tik tak."sabi ni Ramon.

Nagtinginan ang tatlo mababakas sa tatlo ang kabang nadarama. Ayaw ni Marie ng ganitong sitwasyon, masayahin siyang tao ayaw niya ng tinatakot siya kaya naisipan niyang lumayo na sa mga ito.

"Bhes, hindi ko na kayang sumama sa mesa ng mga baliw. Lalabas ako sundan mo ako doon. Tapos tatawagan ko na sila Steven sa cellphone." bulong ni Marie. Tumayo ito at nagpaalam.

Lumabas si Marie ng walang sumunod sa kanya.

"Haist, sa wakas nakahinga din." sabi ni Marie sa sarili. Kinapa niya ang cellphone sa bag pero wala iyon doon. Hindi naman niya inilabas iyon pero napaisip siya na baka nailagay lamang niya iyon sa mesa ng kumuha siya ng panyo kanina sa bag. Naisipan niyang baka dala na iyon ni Ella at hihintayin na lamang niya ang kaibigan.

Pero ilang minuto pa ang lumipas hindi lumabas si Ella, kahit si Tiffany

"Naku naman, papasok pa ako uli." asar na sabi ni Marie sa sarili. Bumalik siya sa loob at nakitang nakatingin sa kanya ang grupo ni Rod.

"May naiwan ako." sabi ni Marie, nakita nitong nakaupo pa rin sila Ella at Tiffany sa mesa at mukhang walang balak umalis. Maingay pa rin sa bulwagan at ang ilaw doon ay parang sa bar na magagaslaw kaya hindi niya napansin ang matiim na mata ni Dennis na nakatitig sa kanya.

Nagtawanan lang ang tatlong lalaki sa sinabi ni Marie na ikinaasar nito.

"Pag sinabi kong umupo ka. Umupo ka lang." sabi ni Dennis tumayo ito at hinawakan si Marie sa braso.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon