“Bhes obessesed sayo si Rod, hindi pagmamahal iyon. Iwasan mo siya kung hindi mapapahamak ka.” sabi ni Marie. Nasa panghuling subject na sila ng araw na iyon ng mag-usap sila.
Nagsusulat na lamang sila ng notes at umalis na ang huling teacher nila.
“Ok ka na Ella? Mukhang masakit pa iyang sipa sayo ng hayop na Ramon na iyon.” nag aalalang sabi ni Patty pero may galit ito na nababakas para kay Ramon. Tinitigan nito si Marie at senenyasan na huwag magtatanong kay Rod na ikinaismid lang ng dalaga.
“Ok na ako. Si Lance kaya kamusta na?” nag aalalang tanong ni Ella.
“Ok na siya, sakto lang naman iyong dating mo. At sakto rin naman iyong pag ligtas mo sa kanya. Tingin ko kasi, iyon sana ang pang finale ng tatlong kumag. Iyong tadyak na manggagaling kay Ramon, na unfortunately nasalo mo.” sabi ni Patty. Hindi maiitago nito ang asar sa tatlo.
“Hayaan mo, mukha namang natauhan si Ramon sa nagawa sayo. Nasampal ko ang gago. At bhes sumakit ang kamay ko sa pagsampal sa demonyong iyon. Matindi ang katawan nun parang bato.” sabi ni Marie.
“Pag-alis mo nga. Umalis na rin iyong dalawa. Tatawagan ko pa sana sila Steven kaso ayaw ni Lance. Kaya niya daw. Tapos ayon bigla na lang tumayo na parang walang nangyari. Matibay din pala ang katawan ng lalaking iyon. Pero bhes nakita ko iyong galit ni Lance kanina. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon mula ng makilala ko siya.” saad ni Marie.
Biglang natigilan si Ella sa sinabi ni Marie. Minsan ng magalit si Lance at hindi niya iyon nagustuhan. Si Lance ang tipo ng lalaking tahimik, mabait pero nasa loob ang kulo.
“Hindi naman siguro gagawa ng hindi maganda si Lance. Mas okay naman siya kaysa kay Rod.” natatawang sabi ni Patty.
Pero iba ang nasa isip ni Ella, kababata niya si Lance at iba ito magalit na hindi alam ng dalawang kaibigan niya.
“Bhes, after nito punta na tayo sa Journalism, mag practice na tayong tatlo. Ginawa ko na iyong pinagagawa ni Maam Luz na Editorial. Sigurado panalo na ito.”natatawang sabi ni Marie.
“Yabang mo. Nagawa ko na rin iyong akin, unting arte lang sa Lathalain puwede na.” natatawang sabi ni Patty.
“Ikaw Ella? Okay ka lang ba?”siko ni Marie kay Ella sa pananahimik nito.
“Oo naman, editing and copyread lang naman ako. Na mas bagay sana sayo, mas marami ka kasing nakikitang mali kaysa sa akin. Saka matalas iyang mata mo.”pagak na tawa ni Ella.
“Hindi rin no. Kung puntahan kaya natin si LJ mamaya. Palibre uli tayo ng milk tea.”nakangising sabi ni Marie kay Patty.
“Hoy mahiya ka naman, parang ikaw ang nobya ng tao.” natatawang sabi ni Ella na ikinapula ng mukha ni Patty. Nagtawanan sila ng hindi makapagsalita si Patty.
………
“Bakit mo sinipa si Ella?” galit na sabi ni Tiffany. May nakapagsabi sa kaniya sa nagawa ni Ramon.
“Hindi ko sinasadya iyon. Malay ko ba namang bigla niya ihaharang ang katawan kay Lance.” nagsisising sabi ni Ramon. Hindi niya magagawa sa babae iyon. Hanggang hatak lang siya sa braso ng babae iyon lang ang alam niyang, nagawa niyang pananakit sa babae.
“Huminge ka na ba ng sorry?”inis na sabi ni Tiffany. Hapon na noon, at nasa library sila. Nagliligpit siya ng gamit para pumunta sa kabilang building para mag -ensayo sa Math , nang puntahan siya ni Ramon. Gusto rin niyang puntahan si Ella na malapit lang ang Journalism Room sa Math Club.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...