(Just play the theme song for this chapter)
5th day El Paradiso
1pm Mt. Esperanza"Masaya ka na?" nakangising sabi ni Dennis kay Marie ng mapagbigyan ang hiling nito. Katabi niya ito at naka sampung buko ito.
"Salamat, nauuhaw kasi ako masarap ang buko lalo na pag uhaw na uhaw ka." nakangiting sabi ni Marie.
Naglagay si Dennis ng duyan sa ilalim ng puno at nakahiga sila ni Marie. Narinig niya kasi ito sa hotel na mahilig ito magduyan.
"Dalawa na iyong ibinigay mo sa aking singsing at alam ko mamahalin ito. Kapag wala akong pera isasanla ko ito." nakangising sabi ni Marie kay Dennis iniangat pa nito ang daliri para makita ang dalawang singsing.
"Grabe ka naman babe, isasanla talaga?" gulat na sabi ni Dennis. Kakaiba talaga mag-isip itong katabi niya.
"Oo. Tapos magbabakasyon ako uli dito sa isla. Nagtanong kasi ako sa information kung magkano ang magbakasyon dito sa El Paradiso, hotel pa lang nakakalula na ang presyo. May lugar sila dito na kaunti lamang ang tao dahil pribado, gusto ko subukan. Kaso mahal." sabi ni Marie.
Tiningnan ni Dennis si Marie, hindi alam ng dalaga na ang sinasabi nitong pribadong lugar ay pag-aari nilang magkakabarkada. Ito ang lugar na pinagdalhan niya dito. Dahil gabi noon at nagmamadali sila bumalik ng hotel kaya hindi na ito nakalibot sa naturang lugar.
"Ipupunta na lang kita doon, huwag mo ng pagdiskitahan iyang singsing mo. Remembrance mo na lang iyan sa proposal ko sayo." nakangiting sabi ni Dennis.
"Talaga? Pupunta tayo doon." excited na sabi ni Marie umupo ito at nakatingin kay Dennis.
"Oo gusto mo bukas pag uwi natin deretso tayo doon." nakangiting sabi ni Dennis.
"Sige, kaso..."putol na sabi ni Marie bigla itong may naisip.
Natutuwa si Dennis sa mga reaksyon ni Marie na pagpuputol ng mga sasabihin halatang malikot din ang isip nito at hindi alam ang unang sasabihin.
"Kaso ano?" tanong ni Dennis.
"Si Steven baka magalit, hindi rin ako puwede pumunta na wala si Ella." malungkot na sabi ni Marie, humiga muli ito at tumingin sa langit na sumisilip ang liwanag sa mga sanga at dahon ng puno.
"Bakit naman siya magagalit? Hindi ka naman niya kapatid." inis na sabi ni Dennis.
"Hindi nga niya ako kapatid. Ayoko rin naman maging kapatid niya ako. Maging nobya puwede pa." pilyang sabi ni Marie hindi nito nakita ang pagbabago sa sa timplada ni Dennis.
"Puwede bang iwasan mo makipagflirt sa kanya, lalo na kapag kasama mo ako." seryosong sabi ni Dennis.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Marie.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...