Kabanata 105: Please don't Say You Love Me

279 20 6
                                    

(Just click the theme song for this chapter)

“Lance tapos ka na ba diyan?” tanong ni Ella nasa  Art Room sila ng oras na iyon para i-display ang mga painting na gagamitin sa exbihit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lance tapos ka na ba diyan?” tanong ni Ella nasa  Art Room sila ng oras na iyon para i-display ang mga painting na gagamitin sa exbihit.

Yes babe. Inayos ko na lahat ng painting.” nakangiting sabi ni Lance. Lumapit ito kay Ella para tiningnan ang ginagawa nito sa table niya.

Gumagawa ako ng number para kung sakali may bumili ng painting sasabihin na lang nila iyong number.” nakangiting sabi ni Ella kay Lance.

Labinlimang araw matapos ang insidente kay Rod, nakahanap si Ella ng mapaglilibangan at effective naman ang pagpunta niya sa Art Room kasama si Lance. Tinuturuan siya nito magpinta, walang araw na hindi niya ito kasama.

Ilagay natin iyong gawa mo. May bibili ng ipininta mo sigurado.” sabi ni Lance kay Ella. Madaling turuan ang dalaga sa kaunting araw lang na pagtuturo niya dito, natutunan nito pagpinta ng mukha ng tao.

Ayoko, kasi hindi pa naman perfect iyong pagpipinta ko.” nahihiyang sabi ni Ella. May nagawa siyang isang painting base ito sa La Secretos kung saan nagkakasiyahan ang mga kabataan.

Ang ganda kaya ng unang pininta mo. Ilagay na natin babe. Pustahan tayo may bibili niyan.” sabi ni Lance hinawakan nito ang kamay ni Ella. Mababakas dun ang peklat resulta ng una at pangalawang injury nito sa kamay.

Okay lang ba sayo? Baka mag mukhang basura lang siya pag naitabi sa gawa mo.” sabi ni Ella.

Ang exhibit na gagawin ay para na ring auction na kung saan ang perang malilikom ay ibibigay sa mga batang walang magulang na iniwan sa bahay ampunan. Mga painting ito ng Art Club at si Lance ang pinakamaraming painting na kasama sa exhibit.

Hindi siya basura, trust me. Maganda ang ipininta mo.” sabi ni Lance lumapit ito sa upuan ni Ella at umupo sa mesa nito.

Baka iyon lang ang matira sa exhibit. Nakakahiya pag walang bumili.” sabi ni Ella.

Imposible  iyon. Kung puwede nga lang sumama sa auction ako na lang ang bibili ng gawa mo.” nakangiting sabi ni Lance. Nang tumayo si Ella sa upuan hinila niya ito ng bahagya para yakapin.

Nakakaasar ka. Huwag na lang.” sabi ni Ella at bumitaw sa pagkakayakap ni Lance.

Eh, paano kung sabihin ko sayo nailagay ko na sa exhibit kanina.” nakangising sabi ni Lance.

Nang sabihin ni Lance iyon hinanap niya bigla ang gawa, kanina pa nga niya hindi napapansin iyon.

Nakakaasar ka talaga.” sabi ni Ella at naglakad ito palabas ng kuwarto at sinundan ito ni Lance.

Saan ka pupunta?” natatawang tanong ni Lance. Kanina pa niya nailagay ang painting ni Ella, sinadya niya na wala pa ang dalaga kanina bago niya ibinaba iyon sa Exhibit Room.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon