Kabanata 119: I Won't Give Up

272 20 16
                                    

(Just click the theme song for this chapter)

(Just click the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3rd day Armastus Cave
6:45pm El Paradiso

"Ang tagal naman nila?" nagtatakang tanong ni Ramon nasa kuweba pa rin sila ng mga oras na iyon.

"Mag aalas-syete na hindi pa rin sila lumalabas." sabi ni LJ sinilip nito ang dinaanan nila Rod at Dennis at may tubig na ang bahaging iyon.

"Pare, tumawag na tayo. Baka ano nangyari sa apat." sabi ni Ramon nag-dial ito sa hotel at sinabi ang mga nangyari kanina lang.

"May isang lagusan po dito kaso mahihirapan po sila makaakyat. Bukod kasi sa mga patulis ang bato, madulas din ang tatapakan dun." sabi ng tour guide.

"Puntahan natin." sabi ni Ramon binalingan nito si Tiffany.

"Dito lang kayo ni Patty. Huwag kayo aalis, may darating ng rescue team." sabi ni Ramon, nakita niya sa mata ni Tiffany ang takot kaya niyakap niya ito.

"Aalis na kami. Huwag kayo maghihiwalay ni Tiffany." sabi ni LJ kay Patty, nakitang niyang naiiyak na ito sa takot para sa apat nilang kasama.

...................

"Dennis gumising ka. Anong gagawin natin?" umiiyak na sabi ni Ella habang yakap ito ni Rod.

"Sandali," sabi ni Marie may kinuha ito sa bag.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Rod ng makita nito ang garapon na puro dahon.

"Nakakaasar ka. Bakit sayo ko magagamit?" umiiyak na sabi ni Marie.

May pulso pa si Dennis pero mahina na iyon, nabasa niya sa Canvass Museum na gamot ang dahon na nakuha niya. Isa sa dahil kung bakit walang pinapupunta sa lugar na ito dahil sa mga muntikang malunod dala ng pagtaas ng tubig. Pero ang dahon ang nakaligtas sa mga muntikang malunod sa lugar.

"Anong gagawin mo Marie?" tanong ni Ella nakita niyang inilabas ni Marie dahon sa garapon at dinikdik iyon.

"Arrgggggghhhhh, bakit sayo?" naiiyak na sabi ni Marie.

Isa sa gamot ng dahon ay magpagaling ng nalulunod basta may pulso pa ang biktima. Nagpapabilis ang katas nito ng tibok ng puso na siyang magbibigay ng buhay sa biktima.

"Nakakaasar ka. Hindi na ko makakakuha pag ginamit ko ito sayo. Pero wala akong choice." sabi ni Marie kay Dennis, nakuha pa ni Marie kagatin ito sa balikat sa halo-halong emosyon na nadarama.

Nabasa niya sa museum na isang beses lang puwede gumamit ng dahon ang isang tao at gagana lang ito sa unang taong pinaggamitan nito.

Kinapa niya ang pulso ni Dennis meron pa pero sobrang hina na. Naalala niya ang amang namatay sa harapan niya at ayaw niyang maulit iyon.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon