"Marie bilisan mo uuwi na tayo." sigaw ni Ella. Dahil hindi sila pinatulog ni Marie kagabi na-late sila nagising. Araw ng Sabado at nag-sisiuwian na ang mga kalahok.
"Sandali lang i-check ko lang baka may nalimutan tayo dito sa kuwarto." balik sigaw na sabi ni Marie
"Hintayin ka na lang namin sa baba." sabi ni Ella at tuluyan ng bumaba ng hagdan.
"Si Ella?" tanong ni Steven. Nang makitang parang bukas pa ang kuwarto ng kapatid pumunta ito roon.
"Bumaba na." sabi ni Marie at tumingin kay Steven.
Hindi makatingin si Steven kay Marie, hindi siya pinatulog ng babaeng ito dahil sa pagtangka niyang pag-halik dito kagabi.
Nakatitig lang si Marie kay Steven, nanghihinayang pa rin ito dahil sa naudlot na first kiss niya na inilaan lamang kay Steven.
"Baba na tayo." yaya ni Steven at tinitigan si Marie, hanggang ngayon hindi siya makapaniwala sa puwedeng mangyari kagabi.
"Sige. Tapos na ako mag-check kung may naiwan." sabi ni Marie kahit gusto niya matuloy ang halik na iyon naiilang siya kay Steven lalo na at hulihin niya ang tingin nito akala niya kaya niyang makipagtitigan dito. Pero hindi pala umiwas si Marie ng tingin ng hindi magpatalo si Steven sa titigan nila.
"Ginayuma mo ba ako?" seryosong tanong ni Steven na ikanalaki ng mata ni Marie.
"Hindi, ah." todo tanggi na sabi ni Marie.
"Aisssttt, bumaba na nga tayo." inis na sabi ni Steven.
........
"Tiffany sasabay ka ba?"tanong ni Ella pasakay na sila ng van ni Eric at nasa parking lot na sila ng araw na iyon.
"Oo, pero sandali." sabi ni Tiffany sinintas nito ang sapatos na natanggal ang pagkakasintas.
Mula sa malayo papalapit ang isa pang grupo kasunod nito si LJ, at iba pang estudyante.
"Akin na nga iyan." sabi ni Ramon ng makitang hindi maiayos maisintas ni Tiffany ang sapatos.
"Bakit nandito ka pa? Anong oras na?" sabi ni Tiffany alas dies na ng umaga at sobrang late na sila para umuwi. Hindi kasi sila pinatulog ni Marie. Gayundin naman late din sila Steven gumising na hindi nila alam kung bakit.
"Nag-check lang kami sa dulo." sabi ni Ramon ng maisintas na ng maayos ang sapatos ni Tiffany.
"Saang dulo?" kuryusidad na sabi ni Tiffany na nginisian lang siya ni Ramon.
"Sa akin ka na sasabay. Magpaalam ka na sa kanila." seryosong sabi ni Ramon at niyakap si Tiffany sa baywang nito at hinalikan ito sa labi.
"Hoy umagang umaga, minamanyak mo na naman si Tiffany." sigaw ni Marie na ikinatingin ng mga estudayante sa parking lot.
"Ang ingay mo." siko ni Patty kay Marie.
"Kay Ramon na ako sasabay." sabi ni Tiffany at sumenyas ito kala Ella.
"Sa akin ka na sumabay Pat." sabi ni LJ na nakalapit na pala sa grupo nila na tiningnan naman ni Patty sila Marie na parang naghahanap ng sagot.
"Ok lang LJ basta ikaw kunin mo na si Patty. Alam naman naming iingatan mo siya" nakangiting sabi ni Marie na siniko siya uli ni Patty na ikinatawa ni LJ.
"Ang pogi mo talaga. Sa mini concert mo sa Saturday nasa harapan ako manonood, promise." nakangiting sabi ni Marie kay LJ.
"Loko-loko ka talaga." sabi ni Patty at kinuha na nito ang braso ni LJ para ilayo kay Marie.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...