Kabanata 64

288 21 2
                                    

Mauuna na ako.” sabi ni Lance at nagmamadali itong umalis sa grupo.

Nagtinginan ang mga naroroon, bumahid sa mga ito ang pagtataka.

Kuya mauna na ako. Baka nandyan na si Maam Luz.” sabi ni Ella hindi man lang nito nakuhang tingnan ang mga tao sa mesa.

Anong nangyari sa dalawang iyon?” nagtatakang sabi ni Marie at tumayo na rin ito para sundan si Ella.

…….

Lance sandali.” sabi ni Ella hinahabol nito si Lance.

Bakit?” galit na sabi ni Lance.

Kasi ano… paano ko ba sasabihin…?” nauutal na sabi ni Ella.

Wala ka naman dapat ipaliwanag. Kasi nakita ko naman ang lahat. Biruin mo Ella your just twelve years old pero ang galing mo nang makipaghalikan. Iyong totoo, ano talaga ang ine-ensayo mo? Saan ka busy? Kung paano matuto makipaghalikan. Alam ba nila Steven at Eric ang ginagawa mo? Malamang hindi, magaling ka kasing mag-tago. Hanggang saan na kayo nakaabot ng lalaking iyon? Nakama ka na ba niya? Dose anyos ka pa lang, pero kung lumandi ka daig mo pa ang kolehiyala.” napupuyos sa galit na sabi ni Lance

Isang matunog na sampal ang ibinigay ni Ella dito. Pero hindi nagpatinag si Lance.

Nasaktan ka ba, Ella? Ako? hindi mo ba ako sinasaktan? Kung sitahin mo si Marie sa pagpulupot sa ibang tao parang ang linis mo. Ikaw pala hindi lang pulupot ang ginagawa mo. Paano kaya kung malaman ng istrikto mong kuya, ang mga pinagkakagawa mo? Little girl Ella, nagtatago ka sa imaheng masunuring kapatid at inosenteng bata. Fuck Ella. Daig mo pa ang ilang beses na naikama sa ginawa mong pakikipaghalikan. Nasarapan ka ba? Malamang, mukha namang gamay mo na. Halata ngang magaling na trainor ang gagong lalaking iyon.  Nagkamali yata ako ng taong minahal. Habang iniingatan kita. Ikaw naman, ibinibigay mo lang ang sarili mo basta-basta.” galit na sabi ni Lance.

“Ella…” natigagal na sabi ni Marie. Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Lance, tiningnan lamang siya ng binata at tuluyan itong umalis. Habang si Ella walang tigil sa pag-iyak. Nilingon ni Marie kung may sumunod sa kanya sa grupo pero ng masiguradong walang nakasunod pinuntahan nito si Ella.

Sabi ko sayo iwasan mo na si Rod. Kukunin ka lang niya at iiwan. Hindi mo nauunawaan? Pinaglalaruan ka lang niya.” naaawang sabi ni Marie sa kaibigan.

Naguguluhan ako.” umiiyak na sabi ni Ella. Masakit ang ang binitiwang mga salita ni Lance.

……………

Halika na kayo. Tapos na tayo.” Sumeryosong sabi ni Rod.

Nagtinginan sila Dennis at Ramon. Naguguluhan sila sa ginagawa ni Rod, hindi nila alam kung may nararamdaman ba ito kay Ella o naglalaro lamang ito.

Hindi mo na ba susundan si Ella? Wala ka man lang bang balak alamin na baka magsumbong si Lance kay Steven at ano magawa sa batang iyon?” nagtatakang tanong ni Dennis.

Ginusto ni Ella iyon, malalagpasan niya iyon.” seryosong sabi ni  Rod habang naglalakad.

Okay ka lang? pagkatapos mong muntik patayin iyong sarili mo, wasakin iyong sasakyan mo. Pagkatapos mong muntik makapatay. Tapos ka na? Iyon lang? Ganoon lang?” seryosong sabi ni Dennis hinila nito paharap si Rod.

Nagtaka si Ramon sa inaasal ni Dennis, hindi ito ganoon pag may ginagawa silang ganito sa ibang babae.

Bakit gusto mo rin si Ella?” natatawang sabi ni Rod kay Dennis ng hatakin siya nito paharap.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon