Kabanata 18

438 36 1
                                    


Bilis Ella. Dalian mo may nag-aaway sa may ValPark” humahangos na sabi ni Marie.

Galing si Marie sa baba ng building at halos liparin nito ang hagdanan sa kakamadali nito.

Ang Valentine Park o ValPark, ay isang park na nasa likod ng St. Valentine Academy. Dito madalas tumambay ang mga estudyante kapag break. Malawak ang lugar na ito, na kung tutuusin katumbas ang espasyo nito ng isang mall sa Manila. May man made lagoon dito. May fish pond at maraming puno at halaman . Sa ilalim ng mga puno may paikot na mesa at mga upuan na nakasalansan. May iba't ibang grupo at barkadahan ang tumatambay sa bawat mesa dito.

Ano na naman iyon Marie? Umagang umaga puro ka tsismis.” Iritang sagot ni Ella sa kaibigan na hinahatak pa rin siya para pumunta sa Park. Malapit lang naman ito sa building nila, katunayan nasa likuran lamang ito.

Huwag ka ng dumaldal. Bilisan mo kasi nakikipag away sa Ramon,”nagmamadaling sabi ni Marie.

Ramon Valiente, grade 12, 18yrs old, anak ng stockholder ng St. Valentine, repeater kumbaga hindi naka graduate last year dahil sa kulang na requirements o subject na puro drop out, bad boy, siga ng Academy, chickboy, matalino pero mas hilig nito ang mambasag ulo.

Ayoko nga, mamaya masapak pa tayo dun,” iling na sabi ni Ella na hinahatak niya ang kamay kay Marie.

Ang o.a. mo. Nakakaasar ka na. Ano ba naman tingnan na natin kasi. Alam mo ba kung sino kaaway niya?”naiinis na sabi at hila nito kay Ella. Pinagtitinginan na sila ng mga kaklase nila.

Kahit sino pa iyan wala ako pakialam. Bitiwan mo nga ako,” sabi ni Ella ni binabawi ang kamay dito.

Langya naman Ella e, wala naman tayong teacher. Lumabas na tayo. Kasi si Juan Carlos lang naman ang kaaway niya,” sabi nito na hindi pa rin tumitigil sa kakahatak sa kamay ni Ella.

Juan Carlos Garcia, president ng student council, grade 12, 17yrs old, scholar, galing sa mahirap na pamilya.

Nagsitinginan ang mga kaklase nila at ang iba dito ay nauna ng nagsitakbuhan at nagmamadaling bumaba nang marinig ang sinabing pangalan ni Marie.

Sa narinig at sa curiosity na rin ni Ella nagpahatak na siya kay Marie.  Tiningnan niya muna si Patty na siya lamang naiwan sa room nila. Mukha naman wala ito naririnig sa ingay na nangyayari.

Pagbaba nila ng building tumungo sila sa likurang bahagi, maraming tao ang nagkukumpulan.

Pero sa pagdaan ni Marie na halos balyahin na lang ang mga tao, makadaan lang ito nakapwesto na sila ngayon sa unahan.

Napasigaw ang ilan ng sinuntok ni Ramon si Jaycee. Hindi naman nag patalo ang isa ng gumanti ito ng suntok, Parehong matangkad ang dalawa halos pareho din ang pangangatawan ng mga ito.

Puno ng sigawan ang paligid. Malamang kung walang magsusumbong. Tatagal ang nagaganap na suntukan ng dalawang lalaki.

Bukod sa likod ito ng building,  malayo ang opisina ng mga namumuno sa eskwelahan. Hindi rin masyadong pumupunta ang mga gwardiya sa parteng iyon ng park.

Halos walang gusto umawat sa dalawa. Maya maya pa may nagbato ng lata ng coke sa mga ito hindi lang isa kundi sunod sunod ang pagbato ang ginagawa. Maraming lata na ang nagkalat pero hindi pa rin tumitigil kung sino man ang nagbabato.

Nagsitinginan ang mga estudyante kung sino ang may gawa noon. Pero dahil hindi pa rin maawat ang dalawa sa suntukan ng mga ito. May nagbato na ng upuan na kahoy na galing pa yata sa loob ng room, dahil armchair ang naturang upuan.

Sa bilis ng hagis nito ikinatama iyon sa bahaging katawan ni Ramon at nawasak ang silya ng bumaladra na ito sa lupa.

Hahahahaha, itigil niyo na nga yan. Ano ba sa tingin niyo? Nasaan kayo? Nasa shooting. Hoy Jaycee, pag nalaman iyan ng nasa taas. Tapos ka 'tol hindi ka makakagraduate. Iyang ungas na inaaway mo wala iyan pakialam sa buhay niya. Ikaw din ang uuwing talunan diyan. “ sigaw ng lalaki habang nagyoyosi ito, may kasama pa itong isang lalaki na balak manghagis na naman ng lata ng coke.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon