Kabanata 9

491 73 6
                                    

Ano ba yan, lagi na lang umuulan, parang walang katapusan. Haist.” Inis na napapakanta pa si Ella habang binabagtas ang catwalk papuntang building A. kung saan siya naka room.

Napakalakas na naman ng ulan nang araw na iyon. Buti na lang nasa catwalk na siya at may bubong naman ito.

Hindi niya nakontak si Marie, dahil tuluyan na niyang hindi nahanap ang cellphone niya. Hindi pa rin alam sa bahay nila na nawala niya ito o Nawala nga ba niya? Iniisip talaga niya kung saan ito nawala baka puntahan niya mamaya ang waiting shed na tinayuan niya kagabi.

“Ay may nalalag na mata,” nagulat na sabi ni Ella nang may nabangga siya.

Stupid girl. Can’t you see me, Im walking?. Hellaaaa, napakaaga mo yata for daydreaming,” maarteng saad ng babaeng nakabangga niya.

Sa kakaisip ni Ella sa cellphone niya, hindi niya nakita ang babaeng may dalang milktea na ngayon ay natapunan sila pareho. Iritable siya muling binalingan nito.

Hey bitch, are you not smart enough to see what have you done. Look at me, alam mo bang kabibili ko lang ng damit na ito,” maarteng saad nito habang nakataas pa ang kilay.

Ngayon lang ni Ella napansin na hindi ito naka uniform na blouse tulad niya. Naka hanging t-shirt ito na tenernuhan ng school uniform na palda ng St. Valentine. Kung sa iba, magmumukha iyong baduy, pero sa babaeng kaharap niya nagmukha itong model. Dagdag pa na maganda ang babae at may class.

Ang damit na sinasabi ng kausap ni Ella ay ang t-shirt na suot nito. Na halatang hindi basta bastang tela at brand. 

My God, kung hindi nerd ang nakakasalubong ko sa eskwelahang ito, pipi naman. Alam mo bang itong shirt na ito is Alexander Wang. ”naiinsultong sabi ng babae sa kanya.

*This lady in front of Ella is wearing, Alexander Wang white falling shoulder cut-off shirt. Short sleeve cotton twill shirt in white. Modified spread collar. Button closure at front. Worth of 700 US dollar.

Sorry hindi kasi kita napansin,” nahihiyang sabi ni Ella.

Lalapitan na sana niya ito para tulungan mag punas ng natapon na milk tea sa suot nito. Nang magsalita muli ito.

Ako? hindi mo napansin, aba ikaw lang ata ang hindi marunong tumingin ng dapat tignan. Can’t you see, lahat ng tao ngayon sa atin nakatingin. Kasi kapansin pansin ako. Pero sa ginawa mo, you ruin my day, because of your stupidity."   nanunuyang  saad nito sa kanya.

Ay, sorry hindi ko kasi napansin na nagmomodel ka pala,”naiinis na ring sabi ni Ella.

Aba’t wala kang modo ,” namumulang sabi ng dalaga sa inis at pagkapahiya sa tinuran ni Ella.

Alam mo Miss, maganda ka pero wala kang ugali. At kung may ugali ka man, ugaling ewan. Nagsosorry na ako di ba, hindi ko naman talaga sinasadya na matapunan ka, pero iyong puro ka stupid sa kakasabi sa akin. Aba mukha mo. Sabi nga one is enough two is too much, so enough nakakadalawa ka na eh.”ganting sabi ni Ella.

You freak,”sabi ng babae sabay tapon ng natirang milk tea sa kanya may kasama pa iyong sago kaya halos dumikit sa mukha at suot ni Ella ang sago pagkatapon nito sa kanya.

Hindi pa nakakabawi si Ella ng magsalita uli ang babae.

Iyan, so patas na tayo, kung tutuusin nga hindi eh. Kasi mura lang naman iyang suot mo at mamahalin itong sinira mo, plus the fact na mamahalin itong milk tea ko, na tinapon mo. Hindi tulad ng milk tea na binibili ng katulad mo, sago gulaman.”maarte pang tumatawa ito na pang insulto.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon