(Play the theme song for this chapter)
"Para manood ng malapitan." sagot ni Marie kay Dennis nakuha pa nitong batiin ang coach nila Dennis na nakasimangot na dahil sa laro.
"Kamusta ka na?" tanong ni Dennis kay Marie.
"Ok naman. Ikaw kamusta? balita ko kasi nilalampaso na kayo ng kalaban niyo." nang-iinis na sabi ni Marie.
Dahil naka headset si Rod at sobrang lakas ng sounds nito hindi niya napansin ang mga dumating. Kanina pa siya badtrip, kailangan niya bumalik sa huwisyo. Ayaw din naman niya matalo sa laro, kaso parang ayaw sumunod ng katawan niya.
Nakaupo sila LJ at Ramon sa puno malapit sa pinasukan ng mga ito habang nagkukwentuhan sila Tiffany at Patty na nakatayo sa tabi ng dalawa.
Kanina pa ni Ella pinagmamasdan si Rod nakaupo ito sa bench at nakatingin lang sa koponan na naglalaro, naririnig pa niya ang kanta na pinatutugtug nito sa lakas ng sounds nito. Halata ngang wala ito sa mood at parang wala pakialam sa mga tao sa paligid nito.
"Uy, mabinge ka niyan." sabi ni Ella at tinanggal ang headset nito sa magkabilang tenga.
Lumingon si Rod at akmang aawayin ang nagtanggal ng headset niya. Nang paglingon niya nakita niya si Ella na nakangiti sa kanya.
"Kanina ka pa?" nagtatakang tanong ni Rod. Tiningnan nito ang grupo na naroroon na pala at hindi niya napansin.
"Oo, busy ka diyan. Matatalo na kayo." malungkot na sabi ni Ella at itinuro nito ang scoreboard kung saan lalong lumalaki ang lamang sa puntos ng kalaban.
Hinawakan ni Ella ang mukha ni Rod na parang nagising naman ito sa nangyayaring nalalapit na pagkatalo ng mga ito.
"Mananalo kami." nakangiting sabi ni Rod at hinawakan nito si Ella sa baywang.
"Tumayo ka na diyan. Kawawa naman si coach, problemado na." malamyos na sabi ni Ella, nilapit niya ang mukha sa nakaupong si Rod at dinampian ng halik sa labi ang binata.
"Goodluck kiss ba iyon?" pilyong sabi ni Rod na lalong hinapit ang pagkakayakap sa baywang ni Ella.
"Oo, sana umobra. Panalunin mo." nakangiting sabi ni Ella.
Binitiwan ni Rod si Ella at lumapit ito sa coach na mukhang galit pa rin.
"Pagnatalo kayo sigurado ikaw ang nagpatalo." nang-aasar na sabi ni Marie kay Dennis.
"Bakit ako?" nagtatakang tanong ni Dennis, nagsisimula na naman si Marie sa kakulitan nito.
"Bangko ka lang kasi, hahahahhaha." malakas na tawang sabi ni Marie na ikinatingin ng mga kasama ni Dennis.
"Hoy, hindi ako bangko. Star player ako, sikat kaya ako." inis na sabi ni Dennis.
"Paano ka naging sikat? Mas guwapo pa sayo iyong number 5." sabi ni Marie at kinikilig itong ininguso ang teammate nila Dennis na nakasuot ng uniform na number 5.
"Hindi iyan guwapo. Malayo lang kaya akala mo guwapo." inis na sabi ni Dennis.
"Langya bhes, dito na nga ako tatambay sa football team. Ang guguwapo pala ng mga player dito." kinikilig na sabi ni Marie at hindi na nito pinansin si Dennis na madilim ang pagkakatingin sa kanya.
Lumayo ito kay Dennis ng huminge ng timeout ang coach nila Rod. Pumunta ang mga player sa bench malapit sa puwesto nila ng magsalita si Marie.
"Ikaw number 5." sigaw na sabi ni Marie na ikinalingon ng number 5 player.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...