Kabanata 53

339 26 2
                                    

"Bhes, bakit parang namumula iyang leeg mo?"kuryusidad na tanong ni Marie.

"Ha, ito? Kagat ng langgam."iwas na tanong ni Ella. Kanina pa siya hindi lumalabas at kung lumabas man may towel o tuwalya siya sa leeg.

Nagtataka na nga ang mama niya. Ang nirarason lang niya may cream siya nilagay kaya hindi puwede mahanginan.

"Grabe naman kumagat ang langgam na iyon. Feel na feel ang skin mo bhes." natatawang sabi ni Marie.

Tiningnan ni Ella si Marie pero mukha naman wala itong alam kung ano talaga ang nasa leeg niya.

"Bakit ka pala andito? Buti pinapasok ka ni kuya."sabi niya rito para umiwas ang topic sa kanya.

"Nagayuma ko eh."nakangiwing sabi ni Marie, humiga ito sa kama ni Ella.

"Hindi ba, iyon naman ang gusto mo?' natatawang sabi niya dito.

"Gusto ko nga kaso dalawa naman sila."asar na sabi ni Marie, kinuha nito ang unan ni Ella at niyakap.

"Ayaw mo noon. Ang haba ng hair mo." natatawang sabi ni Ella. Hindi nito napansin ang ginawa ni Marie na pag amoy sa mga unan niya dahil abala siya itago ang dapat itago.

"Bhes ang init pero bakit parang naka pajama ka?"nagtataka ulit na sabi ni Marie.

"Hindi ito pajama. Lumang PE uniform ko ito, Sayang naman kung hindi ko gamitin." sabi ni Ella pero iniiwas niya ang tingin kay Marie.

"Parang kakaiba ang amoy ng unan mo ngayon. Pati itong kubrekama mo."sabi ni Marie at inaamoy amoy ang mga ito.

"Ano naman kakaiba diyan.?" kinakabahang sabi ni Ella. Naisip ni Ella kakaiba talaga ito si Marie pati pang amoy nito parang aso.

"Amoy alak at amoy pabango, iyong mamahalin na kahit yata maligo ka nakadikit na sa katawan mo at sa mga masasagi nito."nakakunot noong sabi ni Marie.

"Hahahaha,"mapakla siyang tumawa pero tinitigan siya ni Marie ng kakaiba. Kaya nagpatuloy si Ella sa pagsasalita.

"Nainom mo lang yata iyong gayuma. Iba ang reaksyon sa katawan mo." natatawang sabi niya pero mukha yatang hindi kumbinsido ang pagtawa nito kay Marie.

"Sandali lang. Alam mo na ba kung sino iyong may-ari ng sasakyang bumangga sa atin?"tanong ni Marie.

Nakahinga si Ella ng maluwag ng iniba nito ang paksa ng pag uusapan nila.

"Hindi. Bakit may alam ka?" nagkukunwaring sabi niya.

"May source ako at nalaman ko na kay Rod, itong sasakyan." sabi ni Marie na ikinatahimik ni Ella.

"Talaga."tipid na sabi ni Ella kay Marie umiwas siya ng tingin at kunwaring inaayos ang panyo sa leeg niya.

"Umamin ka. Alam mong kay Rod iyong sasakyan,'no." nanghihinalang tanong ni Marie kay Ella.

"Sinabi mo na ba kala Kuya, iyang nalaman mo?"balik na tanong niya dito.

"Hindi. Ayoko nga kausapin iyon kuya mo kahit si Eric."umiiling na pagtanggi ni Marie.

"Iyong lalaking iyon, may tililing yata."sabi ni Ella na ang tinutukoy ay si Rod, sabay higa nito sa kama. Hindi niya napansin na nalihis ang damit niyang suot kaya nakita nito ang tiyan niya.

"Shhhiiitttttt,"sigaw na sabi ni Marie. Na nagpabangon kay Ella sa pagkakahiga.

"Ano bang minumura mo diyan? Talagang sumigaw ka pa. Marinig ka nga ni Kuya Steven."sabi niya dito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon