(Just play the theme song for this chapter)
2nd Day: Canvass Museum
El Paradiso, 9am"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Patty kay LJ. Nauna na ang ibang estudyante na sumakay sa bus para sa activity ng araw na iyon. Pero nasa labas lang sila ng restaurant ng hotel at nakaupo roon.
"Kinuha lang ng driver ang van." nakangiting sagot ni LJ kay Patty.
"Bakit hindi tayo sumabay sa kanila?" nagtatakang tanong ni Tiffany nakatingin pa ito sa huling bus na umalis.
"Kung saan sila pupunta, doon rin naman tayo. Susundan na lang natin." sagot ni Ramon dito.
Nagtinginan sila Patty at Tiffany, hindi sila dapat magtaka ang apat na kasamang lalaki ay anak lang naman ng mga may-ari ng Academy.
"Andito na si Felix. Sumakay na tayo." nakangiting sabi ni Dennis sinulyapan nito si Marie na naka-angkla kay Ella, napatingin pa ito sa kanya kaya kinindatan niya ito bago pumasok sa van.
"Asar," sabi ni Marie ng kindatan siya ni Dennis.
"Ngumiti ka naman, kanina pa ganyan ang mukha mo." natatawang sabi ni Ella, halos ipulupot ni Marie ang mga braso at kamay sa braso niya at kanina pa ito wala sa mood.
"Iyong lalaking iyon umagang umaga inaasar ako." napipikong sabi ni Marie, hindi niya matanggap na narinig nito ang sina niya kanina. Maya-maya napansin nito si Ella na parang lumilinga at may hinahanap.
"Nasaan kaya sila Kuya?" mahinang tanong ni Ella kay Marie.
"Hindi ko pa nga napapansin mula kanina." nagtatakang sabi ni Marie. Nakasakay na ang iba sa sasakyan.
Kung tutuusin hindi ito van na pangkaraniwan, modern mini bus ang naturang sasakyan at masyado iyong malaki para sa kanilang walo. Kahit isakay pa ang trentang katao roon ay malaki pa rin ang naturang sasakyan. Wala rin iyong logo ng paaralan o logo ng isla o hotel, isa itong pribadong sasakyan na siguradong pag-aari ng isa sa apat na lalaki.
Sandali pa at may dalawang lalaki na sumakay sa van bukod sa driver na si Felix, at dalawang lalaki na nasa labas na mukhang hinihintay ang pagsakay nila.
"Bhes, mukhang bodyguard iyong apat. Bakit kailangan may ganyan na kasama?" nagtatakang tanong ni Marie kay Ella.
"Hindi ko rin alam." sabi ni Ella.
Nagtataka nga si Ella na kahit si Rod na umalis lamang sandali ay hindi pa rin bumabalik.
.......................
"Isama mo sila Steven, Eric at Lance sa sasakyan." ito ang utos ni Rico sa kapatid.
"Bakit ko isasama sa sasakyan ko, ang tatlong iyon?" galit sa sagot ni Rod , kung si Steven lang sana ay mapagtiyatiyagaan niya pero ang dalawang lalaki na nagkagusto kay Ella ay imposible.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...