Kabanata 87: Falling

300 22 9
                                    

(Just Play the theme song for this chapter)

"Patttyyyy," sigaw ni Marie. Naghahabol sila para sa huling article ng araw na iyon. Gagamitin iyon sa second quarter ng magazine ng St Valentine.

"Ano ba iyan makasigaw ka parang may emergency." iritableng sabi ni Patty. Hinahabol niya ang article, gagahulin sila sa oras dahil sa Friday magsisimula ang schedule ng tournament.

"Unahin mo muna itong ayusin. Ako na mag-eedit iyang ginagawa mo." sabi ni Marie. Nagmamadali na siya dahil schedule ng pag-aayos ng mga room para sa gagawin tournament sa academic. Kulang ang tao ni Jaycee para gawin lahat iyon.

"Sige. Nasaan ba si Ella? Pumasok ba iyon? Parang hindi ko pa nararamdaman kanina pa." nagtatakang tanong ni Patty.

"Baka nasa kabilang kuwarto nag-ka-copyread. Basta iyong sinabi ko sayo. Unahin mo ito." sabi ni Marie at kinuha ang ginagawa kanina ni Patty.

Lumabas si Marie ng Journalism Room at hinanap si Ella sa printing room pero wala ito roon. Pero sigurado siya na nakita niya itong pumasok. Hindi kasi regular class ng araw na iyon ng Lunes dahil busy rin ang mga teacher sa pag-aayos ng mga classroom . Ang St. Valentine Academy kasi ang nakatoka ngayong taon para maging host sa gaganaping paligsahan.

"Nasaan kaya iyong babaeng iyon?"tanong ni Marie sa sarili.

.......

Hawak ni Ella ang mga article na dapat i-edit. Siya ang nakatokang i-double check lahat ng mga iyon. Dahil hindi siya makapag-isip masyado, at maingay na sa Journalism Room hindi naman siya puwede mag-edit sa printing room dahil maingay din ang mga makina, kaya dadalhin niya ang mga ito sa Library.

"Ang init naman ng sikat ng araw ngayon." sabi ni Ella sa sarili dahil sa kabilang building pa ang Library at malayo-layo ito sa CluBee, kung nasaan naroroon ang Journalism Room.

"Puwede kitang tulungan kung gusto mo."

Tumingin si Ella sa pinanggalingan ng boses, nakangiting niyakap siya ni Rod na may dalang milk tea.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Ella at kinuha ang milk tea kay Rod.

"Sinusundan ka. Kanina pa kaya ako nakasunod sayo mula ng dumating ka sa Academy." nakangiting sabi ni Rod. Kinuha nito ang mga dalang folder ni Ella.

"Wala ba kayong practice?" tanong ni Ella.

"Mainit pa masyado." sagot ni Rod.

Napansin ni Rod na lumilinga si Ella sa paligid na wari may hinahanap.

"Don't worry wala si Steven nag-eensayo sila sa gym. Saka malayo naman ang library sa gym." nakangising sabi ni Rod.

"Malay mo." kibit balikat na sabi ni Ella binuksan nito ang milk tea at pinahigop si Rod.

"Sasamahan kita diyan sa loob. Para tahimik. Promise hindi kita guguluhin." sabi ni Rod at nakuha pa nitong halikan si Ella sa pisnge. Tiningnan ni Rod ang pisnge ng dalaga namamaga pa ng kaunti iyon.

Iniwas ni Ella ang pisnge ng mapansing tinititigan ni Rod iyon, at bumakas ang galit sa mga mata nito.

'Halika na. Kasi marami pa akong gagawin. After nito pupunta pa kami ni Marie sa council para ihanda iyong mga gagamiting room para sa contest." nakangiting sabi ni Ella.

Binuhat ni Rod ang mga folder sa kanang kamay at inakbayan si Ella sa kaliwa nito. Papasok na sila ng Library ng mapansin nila si Ramon papalabas ng naturang building.

"Pare, mukhang ito na ang tambayan mo?" bati ni Rod kay Ramon pero hindi siya nito pinansin na ipinagtaka nito at nagtuloy-tuloy lang ng paglalakad palabas ng library mukha pa itong nagmamadali at galit.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon