Kabanata 122: Say I Love You

315 21 12
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4th day El Paradiso
4pm Mt.Esperanza

"Sir, hindi pa po umaakyat sa bundok iyong sakay ni Felix." sabi ni Carlo kay Rod, ng utusan siya nito na manmanan sila Steven.

Tiningnan niya si Ella nasa van pa ito kasama nila Marie, Patty at Tiffany. Hindi dapat nito makasabay sila Steven at siguradong ibibigay nito si Ella kay Lance. Kanina pa dapat nakaakyat ang grupo nila Steven dahil ilang oras din ang layo ng binaybay nilang daan kumpara sa mga ito.

"Pare, mukhang hinihintay talaga nila sila Ella at Marie?" seryosong sabi ni Ramon.

"Hindi dapat nila makita ang dalawa siguradong ilalayo ni Lance si Ella, makakakuha ng pagkakataon ang gagong iyon para masolo si Ella." galit na sabi ni Rod

"Anong plano? Hindi tayo puwede tumagal dito. Maya-maya lang siguradong naririto na ang mga iyon." sabi ni LJ.

"Bukas na lang tayo umakyat, may malapit na hotel dito. Hindi na magpipilit ang mga iyan kapag nagdesisyon ang tour guide na paakyatin na sila." suhestiyon ni Dennis, sinulyapan nito si Marie na kanina pa nagtatanong kung nasaan si Steven na ikinaaasar niya.

"Hindi tayo puwede magpabukas kasi hahanapin tayo ng tour guide. Siguradong magrereport ang mga iyan sa Admin. Kung dumaan kaya tayo sa kabilang daan?" sabi ni Ramon

"Kung dadaan tayo sa kabilang daan paakyat siguradong alam iyon ni Lance. Magaling ang lalaki iyong umakyat ng bundok. Bukod pa diyan kada tour guide ng grupo ay magrereport sa pinaka head nila kung saang parte na sila ng bundok." sabi ni Rod.

"Isa na lang ang puwede, magpalipas ng oras, at gabi tayo aakyat." sabi ni LJ, alam niyang delikado ang naisip dahil masyado ng madilim sa gubat na tatahakin nila patungong bundok.

"Puwede, kasi may oras lang na ilalagi ang bawat grupo kung gusto nilang magpaliban ng oras. At dahil kanina pa nandito sila Steven, ibig sabihin tapos na ang oras nila." sabi ni Dennis

"Sir Rod, iyong grupo na nakasakay kay Felix papunta dito." hinihingal na sabi ni Carlo. Nagmamadali siyang tumakbo dahil mukhang nagwawala na ang tatlong lalaki sa grupong iyon.

"Sumakay na tayo." sabi ni LJ.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Marie ng makitang nagmamadaling sumakay ang apat at ang driver na si Carlo sa van.

"Hide and seek. Maglalaro tayo." nakangising sabi ni Dennis at nakuha pa nitong halikan sa pisnge si Marie.

"Aiiissssttttt, huwag mo ako halikan." sabi ni Marie at pinunasan nito ang pisnge sa t-shirt ni Dennis.

"Nasaan sila kuya?" nagtatakang tanong ni Ella kay Rod .

Nakita ni Rod na padating na sila Steven akmang titingin si Ella sa bintana ng yakapin niya ang nobya para hindi nito makita ang kapatid.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon