(Just play the theme song for this chapter)
7th day El Paradiso
9am Road to Piamonte“Bakit nila tayo hinahabol?” nagtatakang tanong ni Ella kay Rod. Halos mapapikit siya sa bilis ng pagpapatakbo nito.
“Kukunin ka nila sa akin. Eh, ayoko nga.” natatawang sabi ni Rod.
“Saan mo kami dadalhin?” sabi ni Ella na halos pigil-hininga siyang tuwing gumegewang ang sasakyan.
“Sa hindi ka makikita, sweetheart. Tatapusin ko lang ito. Dalawang ikot na lang.” nakangising sabi ni Rod.
Nasa bako-bakong daan sila papasok ng gubat, doon niya planong iligaw ang grupo ni Steven. Hindi siya puwedeng maabutan ni Lance.
Pero mukhang ayaw magpatalo ni Lance, na halos nakikipagsabayan sa panaka-nakang sasakyang dumadaan sa maliit ng highway ng isla.
…………….
“Damn it. Lagot ka ngayon.” galit na sabi ni Lance at ng malapit na siya sa puwetan ng kotse nila Rod binunggo niya iyon.
“Shit, Lance magpapakamatay ka ba ng dahil kay Ella.” sigaw ni Nicole ng banggain ni Lance ang sasakyan.
“Hindi, wala akong balak mamatay hanggat hindi ko nakukuha si Ella.” galit na sabi ni Lance at binangga uli ang likurang bahagi ng sasakyan.
Napapangiti na lang si Steven sa ginagawa ni Lance, mas di hamak na gusto niya para sa kapatid ang kaibigan kaysa kay Rod, kaya hinahayaan lang niya ito.
“Lance igilid mo sa kanan. Huwag sa kaliwa, at malamang si Ella ang katabi niyan.” sabi ni Eric na ginawa naman ni Lance.
Nagsigawan ang apat na babae na kasama nila Rod ng dalawang beses binunggo ni Lance ang puwetan ng sinasakyan nila.
“Papatayin ba tayo ni Lance?” nahihintakutang sabi ni Marie ng bungguin sila nito sa pangalawang pagkakataon.
Nakita ni Rod na sisingit si Lance sa parteng side niya kaya ibinaling niya sa kaliwa ang sasakyan. Hindi makasingit si Lance sa ginagawa pag baling ng sasakyan ni Rod pakaliwa. Kaya sa kanan siya pumunta para makadaan at maunahan ang mga ito. Pagnagawa ni Lance iyon saka niya haharangan at kokornerin ang sasakyan nila Rod.
“Damn huwag ka diyan.” sigaw na sabi ni Rod ng biglang sumingit ang van ni Lance sa kanang bahagi.
Sa ginawa niya paggitgit dito nabunggo ang kanan bahagi ng driver’s seat kung nasaan nakaupo si Ella.
“Rod.” sigaw ni Ella sa lakas ng paggitgit na ginawa ni Rod.
“Pare lumayo ka muna iyon kapatid ko.” sabi ni Steven ng makitang naggigitgitan na ang dalawang sasakyan sa maliit na daan papuntang gubat.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...