Kabanata 72 : Marie and the 3 boys

345 26 1
                                    


"Ikaw ba may gawa?" tanong ni Ella kay Marie nasa canteen sila ng mga oras na iyon at nag hahapunan.

"Alin iyong kay Dennis?" balik tanong ni Marie. Hinihimayan siya nito ng isda.

"Oo, nakita mo ba iyong ginawa mo sa katawan noong tao? Paano kung may rabies ka?" seryosong sabi ni Ella.

"Masuwerte siya kung ganoon. Kakaiba ang rabies ko." natatawang sabi ni Marie. Idinukduk pa ang isda sa toyong may kalamansi at isinubo kay Ella.

"Bakit mo ginawa iyon? Baka gantihan ka ng lalaking iyon?" mahinang sabi ni Ella. Hinihinaan nila ang kuwentuhan at baka nasa likod lang nila o baka dumating bigla sila Steven.

"Huwag mo alalahanin iyon. Kaya ko sarili ko." nakangiting sabi ni Marie at akma na naman niyang susubuan ang kaibigan ng biglang bumahing si Ella.

"Ay, sory."natatawang sabi ni Ella.

"Subuan mo na nga iyang sarili mo. Kadiri ka." sabi ni Marie habang pinupunasan ang kamay nito.

"Nalaman mo ba kung kanino iyong lugar na iyon?" tanong ni Ella siya naman ang naghihimay at sumusubo kay Marie ng isda.

"Hindi. Pero sabi daw ni Ramon kay Tiffany, private property daw iyon. Hindi naman daw iyong tatlo ang may-ari," bulong na sabi ni Marie kay Ella at isinubo ang isda na nasa kamay ng kaibigan.

"Kung hindi sa kanila iyon. Bakit nakakapunta rin sila doon? Saka anong kayang relasyon nila sa may-ari?" bulong na tanong ni Ella. Nakuha pa nitong luminga at ng wala naman nakikinig sa kanila nagpatuloy sila sa pag-uusap.

"Hindi ko alam. Pero bhes curious ako doon sa hanging bridge. Ano kayang meron sa kabilang bahagi noon?" nakakunoot na tanong na Marie.

"Malay ko. Ayoko nga pumunta doon kasi takot ako sa mga ganoon bridge pakiramdam ko mapipigtal." sabi ni Ella at ang chopsuey naman ang nilantakan.

"Iyong chopsuey parang dalawang araw na iyan. Wala ba sila ibang pagkain." natatawang sabi ni Marie kay Ella.

"Baliw." natatawang sabi ni Ella sa kaibigan.

"Mukhang requested menu yata ni Rod iyan para sayo. Umaga tanghali, gabi at dalawang araw ng ganyan. Hindi ka nagtataka?" nakangising sabi ni Marie.

"Ewan ko sayo Marie. Pero seryoso sabi ni Tiffany may red marker daw sa puno. May napansin ka ba? Matalas iyang mata mo." bulong uli ni Ella at hindi pa rin nagsawa hinigop pa ang unting sabaw ng chopsuey.

"Wala naman ako napansin. Kahit iyong nasa nadaanan ko sa kabila noong naligaw ako, wala rin naman marker." umiiling na sabi ni Marie.

"Kung puntahan kaya natin uli. Tingnan nga natin kung may marker." nakangiting sabi ni Ella.

"Paano natin titingnan gabi na kaya. Saka iyong kuya mo nandyan na iyon mamaya." nakangiwing sabi ni Marie.

"Tingin mo may ganoon pang lugar dito sa loob ng St. Valentine?" kuryusidad na sabi ni Ella.

"Puwede pero huwag mo ng aalamin. Baka iba na mapuntahan mo." sabi ni Marie.

"Ano bang pinagbubulungan niyong dalawa diyan?"

Napalingon sila Ella at Marie sa nagsalita.

"Hay naku. Ikaw lang pala Lance." sabi ni Marie at umusog siya para hindi sila mahalata ni Ella sa pinag uusapan.

"Nag-uusap kami sa pagpaplano sa mabilisang pagsagot sa math equation." nakangiting sabi ni Ella. Tiningnan nito ang dala ni Lance. At ngumiti ito sa kanya.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon