Kabanata 132: 10000 Hours

261 21 6
                                    

(Just click theme song for this chapter)

(Just click theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Manila


"Nagkita din tayo mahal kong kapatid." sarkastikong sabi ni Steven kay Ella na lapitan ito kasama si Rod paglabas ng terminal.

Ilang oras din sila, nag-abang sa pag-labas ng mga ito.

Isang suntok ang ibinigay ni Steven kay Rod at sinundan iyon nila Eric at Lance.

"Kuya tama na." awat ni Ella si tatlong lalaki.

Akmang tutulong sila Ramon, LJ at Dennis ng awatin ito ng mga nobya nila.

"Steven, tama na." sabi ni Marie na kumawala sa pagkakahawak ni Dennis.

"Isa ka pa." sabi ni Steven kay Marie at binalingan nito si Dennis sabay inundayan ng suntok.

"Gago kayo magkakabarkada, mga bata talaga target niyo 'no. Hindi na kayo nahiya." galit na sabi ni Steven.

"Kuya tama na." awat ni Ella ng akmang susugurin naman nito si Rod.

"Tama na talaga, uuwi na tayo at hindi ka na papasok sa Academy." galit na sabi ni Steven at hinila nito si Ella at Marie.

"Sandali lang. Bakit dadalhin mo pati si Marie?" galit na sabi ni Dennis.

"Bakit hindi?" mapang-uyam na sabi ni Steven kay Dennis.

"Fiancee ko 'yan. Bakit mo isasama?" sarkastikong sabi ni Dennis.

"Hahahaha," nakakalokong tawa ni Steven.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" asar na tanong ni Dennis.

"Pamiliin natin si Marie kung kanino siya sasama. Sa kalokohan mo o sa akin?" nakangising sabi ni Steven.

Nagulat ang grupo sa sinabi ni Steven biglang nilang binalingan ng tingin si Marie. Na napalunok sa sinabi ni Steven.

"Marie kanino ka sasama? Sa akin o kay Dennis?" tanong ni Steven.

"Puwede, call a friend?" nalilitong sabi ni Marie na ikinatawa ng malakas ni Ramon.

"Hahahaha, sorry." sabi ni Ramon.

"Marie pumili ka na." sigaw na sabi ni Steven.

"Puwedeng toss coin na lang." naguguluhang sabi ni Marie na ikinatawa uli ni Ramon.

"Fuck, isa na lang Marie iiwan ka namin dito kapag hindi ka pa pumili." naiiritang sabi ni Steven.

"Sandali, mas mahirap pa sa Math ang pinapagawa mo." mahinang sabi ni Marie.

"Ayaw mong pumili?" asar na sabi ni Steven.

"Ikaw, ikaw, ikaw.... " sunod-sunod na sagot ni Marie at hinawakan nito sa braso si Steven. Hindi na nitong nakuhang sulyapan si Dennis, na matalim ang tingin kay Steven.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon