(Next po nito kuwento ni
Love or Lust: Ramon and Tiffany
on going na po siya)Bago po ang lahat
Salamat po sa support niyoDalawang award na po
ang napanalunan ng nobelang ito
Kahit po sa maliit na contest happy ako na-appreaciate nila ang gawa koPitong taon ang lumipas.....
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Ella ng makitang nasa pintuan ng bahay nila si Marie.
"Aiiiisssssttttt, bhes nagtatago ako" bulong na sabi ni Marie.
"Kanino?" tanong ni Ella mula ng isinama ito ni Dennis sa Amerika naputol ang komunikasyon niya dito tulad sa iba.
Pero ito ngayon ang matalik na kaibigan parang kabuteng sumulpot.
"Kay Dennis." sabi ni Marie at pumasok ito sa bahay nila.
"Bakit?" tanong ni Ella pero hindi nito sinagot ang tanong niya.
"Nasaan si Steven?" tanong ni Marie.
"Hindi namin alam kung nasaan siya." malungkot na sabi ni Ella, mula ng umalis ang kapatid sa bahay nila hindi na ito muling nagpakita ang huling paalam nito ang magtatrabaho lamang.
"Kailan pa?" tanong ni Marie
"Taon na rin." naiiyak na sabi ni Ella, namimiss niya ang kapatid.
Mula ng mangyari ang insidente sa bar nagbago ang kapatid. Lumayo lalo ang loob nito sa kanya tulad pag-layo nila Lance at Rod sa kanya. Pakiramdam niya ng mga panahong iyon nag-iisa siya.
Maya-maya napansin ni Ella si Marie na sumilip sa bintana.
"Binalikan ko pa naman siya." sabi ni Marie at niyakap nito si Ella, ng may mamataan na sasakyan na kanina pa siya sinusundan siya.
'Okay ka lang?" tanong ni Ella kay Marie.
"Bhes, aalis na ako. May humahabol sa akin." natatawang sabi ni Marie.
"Sino?' tanong ni Ella at sumilip sa bintana.
"Tauhan ni Dennis, huwag mong sasabihin kahit kanino na nakita mo ako. Naglalaro kami ng hide and seek." natatawang sabi ni Marie at nagmamadali itong umalis at dumaan sa likod bahay nila.
Napangiti lamang si Ella sa kaibigan, alam niya ikinasal si Marie kay Dennis sa Amerika ng tumuntong ng disi-otso ang kaibigan.
Ilang sandali pa napadpad ang mata ni Ella sa isang sulat, ng buksan iyon galing iyon sa kompanya ng mga Cheung para sa On-the-Job training niya. Si Rod agad ang naalala niya, si Rod na halos laman lagi ng social media dahil sa iba't ibang babae nito, si Rod na halos magpalit ng babae buwan-buwan, si Rod na halos nasa iba't ibang lugar at nagliliwaliw.
Si Rod na hindi man lang siyang nakuhang kontakin sa loob ng pitong taon.
"Babaero," asar na bulong ni Ella.
...............................
"Asar," sabi ni Patty nasa OJT siya sa isang kompanya, bumaba lang siya para bumili ng pagkain pero nakita na naman niya ang lalaking naka-itim at naka shades ito at nakatingin sa kanya. Pitong taon ng may sumusunod sa kanya, noong una akala niya hallucination niya lang pero ngayon sigurado na siya.
Hinihintay niyang bumaling sa iba ang atensyon ng lalaki, at dali-daling siyang tumakbo.
"Buweset, sino na naman kaya iyon?" inis na sabi ni Patty kahit anong takas niya nasusundan siya nito.
..................
Masikip ang biyaheng iyon ng bus, siksikan ang mga pasahero kaya hindi naiiwasan maggitgitan ng biglang magpreno ang bus...
"Oooppppsss, sorry." sabi ni baritonong boses.
Napalingon si Tiffany sa pinanggalingan ng boses hindi siya puwede magkamali, bumilis ang tibok ng puso niya at laking gulat niya na ang nasa likuran niya at nakatayo sa bus ay ang lalaking hindi nawala sa sa isip niya sa loob ng pitong taon.
"Ramon?" mahinang sabi ni Tiffany. Tumingin lang ang lalaki sa kanya.
"Ramon." ulit na sabi niya dito habang umiiyak, hindi siya puwede magkamali ang init na nagmumula sa katawan nito ang nagpapatunay na ito ang lalaking minamahal niya.
"Miss, excuse me. Kasi late na ako sa work, saka mainit nakuha mo pang yumakap." supladong sabi ng lalaki at tinanggal nito ang braso niya. Namula siya sa kahihiyan lalo na ng magtawanan ang mga pasaherong nakakita sa ginawa niya.
Hindi siya nito kilala pero hindi siya puwede magkamali.
AUTHOR'S NOTE
Please support my next novel...
Pasupport po para mabasa ng iba....
Pavote naman po regalo niyo na sa akin
✍️😂🤣😍😘✍️
May kanya-kanya po silang kuwento uunahin ko po iyong 4-lead characters and may one-shot akong gagawin para sa iba
Please support my next novel
LOVE OR LUST
STORY OF RAMON AND TIFFANY
Orihinal na nobela ni FifthStreet1883
August 13,2020 10:15 am
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...